Marry Me

Chapter 33

Apr 09, 2022 33 / 38

Allyna

Annulment?!

GHAD! Nababaliw na si Gian! Siguradong magagalit si Lolo kapag nalaman nya ito! Kailangan gumawa ako ng paraan para magkaayos silang dalawa ni Shane bago pa ito makarating kay Lolo. Kung kinakailangang i-postpone ko ang taping ko ngayon para sa isang commercial, gagawin ko, maayos lang ang gusot na ito.

"Hello, Shane.. Asan ka?" tinawagan ko si Shane, we need to talk.

"Andito ako sa bahay ngayon," sagot niya. Yah right. What do I expect? Palagi naman siyang nasa bahay.

"Pupuntahan kita dyan. We need to talk."

Then I drove to her house.

"Maupo ka muna. Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya then she offered me a drink.

"It's about you and Gian," sabi ko. "Shane, hindi kayo pwedeng maghiwalay."

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ang sakit kasi, Allyna. Ang sakit lang na niloko niya ako," malungkot niyang sabi.

Nilapitan ko siya.

"Shane, saan ka niloko ni Gian? Sa mana? You got it all wrong."

"Diba nagpakasal siya sa akin para makuha niya ang kumpanyang ibibigay ng Lolo nyo? Tapos magpapakasal na siya doon kay Syd?"

Natapik ko ang noo ko. Aarrgghh!! I can't believe lumala ng ganito ang sitwasyon.

"You met Sydney?"

"Oo, at sinabi nya sa akin na babalik daw sa kanya si Gian."

"And just like that you will let her take Gian away from you??"

Hindi siya sumagot.

"Shane, kung mahal mo talaga si Gian, ipaglaban mo. Huwag mong hayaan na makuha siya sayo ng kahit na sino. Ok. I just wanna let you know na aalis na si Sydney at hinayaan na niya si Gian kasi she realized na ikaw talaga ang mahal ni Gian."

Now she's looking at me.

"Totoo?" she asked me.

"Yes, it's true. You know what Shane, just a piece of advice, minsan kailangan mo ding magtiwala, kailangan mo ring maniwala. I'm telling the truth at kaya ko to sinasabi sayo kasi ayoko mabulag ka sa isang bagay na hindi totoo. Ayokong maghiwalay kayo ni Gian. Ikaw lang ang babaeng para sa kanya. Wala ng iba, dahil kung magkakaroon which I seriously doubt eh ako ang unang unang tututol."

She smiled at me.

"At yung tungkol sa mana, kay Gian talaga ipapamana ang kumpanya ever since. Si Gian ang unang apong lalaki, not Alex. Ampon namin si Alex."

"Huwag ka ng magtanong tungkol doon, isa lang ang goal ko, at yun ay maayos kayo ni Gian. Nito lang din nalaman ni Gian ang tungkol sa mana so hindi talaga yun ang dahilan kaya ka niya pinakasalan. Kilala ko si Gian, maprinsipyo siyang tao. Mahal na mahal ka ni Gian."

I can see tears in her eyes.

"Nang sinabi sa akin ni Gian na makikipaghiwalay na siya sayo, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi iyon madali kay Gian. Hindi mo na ba siya mahal?"