Marry Me

Special Chapter 1 : Gian

Apr 09, 2022 36 / 38

"Gian!"

Naramdaman ko na may yumuyogyog sa balikat ko. I'm half asleep half awake.

"Hubby!"

"Hmmm?" sagot ko na lang. Ang aga aga nanggigising si Shane. Bakasyon pa din naman.

After 3 weeks mula ng nagpropose ako kay Shane ay nagpakasal na kami sa simbahan. 1st week yun ng May. Lahat ng mahal namin sa buhay at mga kaibigan ay invited. Noong wala si Lolo at nasa ibang bansa ay inaayos na pala niya ang detalye ng kasal. Nakakatawa. Kaming ikakasal, walang idea na ayos na pala ang lahat. Si Lolo talaga.

After a week ng kasal, lumipad kami papuntang Paris. As promised kay Shane na doon kami magha-honeymoon. At ngayon 2 days pa lang ulit kami dito sa Pinas. Malapit na ulit kaming pumasok. Another schoolyear. 4th year na ako and finally, my last year in college.

"Gian naman eh. Ang hirap hirap mo gisingin!" nagmamaktol na siya. Lagot. Kaya nagmulat na ako ng mata.

I look at her. She's really beautiful. Siya ang pinakamagandang buntis na nakita ko. Hindi pa naman masyadong halata ang tiyan niya, pero may umbok na. Hindi rin halata kapag naka school uniform siya.

Hinila ko siya sa tabi ko pero syempre dahan dahan lang, baka kung mapano siya pati yung baby namin. Niyakap ko siya.

"Anong kailangan ni wifey ko?" tanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Kumawala siya sa yakap ko at tumayo.

"Gusto ko ng ice cream!" sabi niya.

Ang aga aga, ice cream??!

"Ok. Ibibili kita mamaya," sabi ko. Gusto ko pang matulog ulit. Galing ako sa gig kagabi kaya naman puyat ako.

"Ngayon ko gusto ng ice cream kaya ngayon ka na bumili!" sabi niya.

Pssssh. No choice. Bumangon na ako at nagbihis. Kailangang ibili ko siya ng ice cream, baka kung ano mangyari sa baby namin kapag di ko naibigay gusto ng mommy niya.

"Anong flavor?" tanong ko habang iniistart ko ang makina ng kotse. Inihatid niya ako hanggang gate.

"Sasama na lang kasi ako," sabi ni Shane.

"No. Dito ka lang, kasama mo naman dyan si Yaya Thelma. Babalik din ako kaagad," sabi ko.

Si Yaya Thelma, nasa early 50's na siya. Yaya siya ni Allyna noong bata pa lang kami then Lolo insists na kunin daw namin siya para may kasama din si Shane sa bahay kapag wala ako sa gabi at nasa gig.

"Double dutch at tsaka cookies and cream. Ah Hubby, huwag mong kakalimutang bumili ng mangga ha?" dagdag pa niya ng nakangiti. Mas lalo siyang gumaganda.

"Opo. Sige na pumasok ka na sa loob. Mukhang uulan pa. Bye Wifey."

"Bye Hubby. Mag-iingat ka," habol niya.

**

Nakabalik ako kaagad. Ipinagtalop ko siya ng mangga at naglagay ng bagoong sa platito. Sabi niya kasi ipagtalop ko na daw siya.

Sarap na sarap siya sa pagkain ng ice cream.

"Wifey, eto na ang mangga mo", sabay lapag ko sa ibabaw ng mesa.

Ngumiti ang mata niya pagkakita sa mangga.

"Yan! Yan ang iniintay ko!" halos pasigaw na siya. Kumuha siya ng isang gayat at..

What the??!

"Wifey, eto ang bagoong o," inilapit ko sa kanya ang bagoong pero hindi niya ito pinansin at patuloy sa pagkain, ako naman ay patuloy sa pagiisip kung bakit niya ginawa yun.

"This is the best!" sabi niya at isinawsaw niya ulit ang isang piraso ng mangga sa ice cream, sabay kagat.

Halos masuka ako sa ginagawa niya.

"Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin mo eh di sana Mango flavor na ice cream na lang ang binili ko."

"Iba naman yun. Ayoko nun. Hubby, gusto mo? Masarap," at inalok pa talaga ako. Ang bait naman.

Umiling ako at ngumiti. "Sayo na lang. Mukhang kulang pa sayo eh," sagot ko na lang. Ayoko ngang kumain ng ganun.

Kumuha ulit siya ng isang gayat at isinawsaw sa ice cream.

"Hubby, say Aahh!"

Lagot!

Inilayo ko ang kamay niya.

"Huwag na. Sayo na lang. Sige na."

Inilapit niya ulit sa aking ang kamay niya na may mangga. "Aaahh!" utos niya. Para matapos, ibinuka ko na ang bibig ko at kinain ang mangga.

"Ang sarap noh?" sabi niya ng nakangiti.

Yung mukha ko hindi na maipinta pero pinipilit ko pa ding ngumiti, at nag thumbs up.

"Gusto mo pa?"

"Ayoko na. Hindi pa kasi ako nagbebreakfast. Baka sumakit ang tiyan ko."

"Ay oo nga pala. Buti nakapag breakfast na ako. Sige Hubby, kumain ka na muna. Mamaya, bibigyan ulit kita."

Buong maghapon nasa bahay lang kami ni Shane, pati si Yaya Thelma. Si Shane, walang ibang ginawa kundi matulog, kumain, matulog. Hindi ako magtataka kung isang araw lolobo yan.

Kaya naman sa umaga, ang aga aga gising na gising na.

"Hubby.." tawag niya. Nakahiga kami sa kama. Niyayakap niya ako.

"Gian.."

Hindi ako sumasagot. Hayaan ko siya.

"Hubby.." patuloy niya pa din ako niyayakap. I hug her back. At dahil hindi ako sumasagot binuksan niya ang mata ko gamit ang kamay niya.

Aray naman!

Mas isiniksik ko siya sa akin at bumulong sa tenga niya. Alam ko may gusto na naman tong kainin.

"Ano naman ngayon ang gusto mo Wifey?"

"Gusto ko ng atis," sagot niya.

Napangiti ako. Atis lang pala.

"Sige, magpapabili tayo kay Yaya Thelma ng atis mamaya kapag namalengke siya."

"Sige, ang gusto ko yung atis na walang buto ha," sabi niya.

Nagising ang diwa ko sa sinabi niya.

Atis na walang buto??? Sang lupalop naman ng mundo ako kukuha noon?

"Shantelle, grabe ka namang magbuntis, grabe kang maglihi."

Tapos bigla na lang siyang umupo sa kama at humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Tinuturo pa niya ako habang tumatawa!

"HAHAHAHAHA! If you could only see your face Gian Zayden! HAHAHAHA!"

Tama bang tawanan ako? Atis na walang buto? Eh akala ko kasi seryoso siya. Nakitawa na din ako at inihiga siya sa tabi ko. Mabuti naman nagbibiro lang siya.

Tinititigan niya ako.

"What??" I asked in curiousity.

"Ang cute ng ilong mo. Pakagat ako," sabi niya.

Hinawakan ko ang ilong ko at tinakpan.

"No way!"

"Aiissh! Sige na. Isa lang," pilit niya.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang."

Umiling siya. "Isa lang," with hand gesture pa.

Tinatakpan ko pa din ang ilong ko. "Para kang bata," sabi ko.

"Eh bata pa naman talaga ako. Sige na! Isa lang naman, hindi ko naman sasaktan."

"NO!"

"O sige, pakurot na lang. O, hindi na kagat yun," pagiiba niya.

Ang lakas ng trip na babaeng to!

"Kasalanan mo yan! Ang cute kasi ng ilong mo. Ang tangos!" at sinisi pa talaga ako.

Hindi ko pa din tinatanggal ang kamay ko sa ilong ko. Tumayo na siya sa kama.

"Hmp! Sige. Wag na nga! Bahala ka! Pag ang baby natin walang ilong, kasalanan mo to!"

Nagtampo agad? Paalis na siya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Ok. Sige na. Eto na, kurutin mo na ang ilong ko. O."

Lumapit ako at ngumiti siya. Pagkatapos kinurot na niya ang ilong ko.

"OOOOUUUUCCHHH!!"

"Ang cute cute talaga!"

Matapos pagdiskitahan ang ilong ko, nagpunta na siya sa pinto, akmang lalabas at nagsalita.

"Hubby, baba ka na. Ako nagluto ng breakfast."

WOW!

"Talaga??" tanong ko. Himala kasi. Si Shane, magluluto? Bago yun.

"Oo, kaya bumaba ka na dahil kung hindi uubusan kita! Hahaha!"

"Oo na. Bababa na. Excited akong tikman yan!"

Pasara na ang pinto ng sumilip ulit siya.

"One more thing Hubby, tungkol dun sa gusto kong kainin", sabi niya habang nakasilip sa pinto.

"Ano? Yung atis na walang buto?"

Tumawa na naman siya.

"Hahaha. Hindi!"

"Eh ano nga?"

"Kasoy. Gusto ko ng kasoy."

"Sige, bibili tayo ng kasoy."

"Yehey! Kasoy. Yung nasa loob ang buto ha?"

Pagkasabi niya noon, isinara na niya ang pinto.

Kasoy na nasa loob ang buto??