Perfect

Chapter 2

Nov 28, 2025 2 / 4

It’s a Saturday morning, maglalaba ako ng mga damit namin. Ugali ko na na magcheck muna ng mga bulsa sa mga pantalon kung may laman ba. Mamaya niyan may pera pala o mahalagang bagay, baka biglang mabasa at hindi na magamit pa.

Sa bulsa ng pantalon ni Jed, may nakita akong resibo. Resibo sa isang jewelry store. Bumili siya ng kwintas worth 5000 pesos?! Kahapon ang petsa. Wala naman akong natatandaang nalalapit na okasyon between the two of us. Bakit siya bumili ng ganitong kamahal ng kwintas? Pero baka naman gusto niya lang talaga akong isurprise kasi nitong mga nakaaraang araw eh hindi kami masyadong nakakapagusap kasi busy daw siya sa trabaho niya. Pagkakagaling niya sa trabaho niya, palagi siyang pagod kaya natutulog na kaagad siya.

Pinalipas ko ang dalawang araw. Itinago ko na lang ang resibong nakita ko at hinintay kung kailan niya sasabihin ang tungkol sa alahas, pero dalawang araw na nga ang lumilipas, wala pa din siyang binabanggit tungkol doon. Nagkaroon na ako ng kutob. Kutob na kahit kalian eh hindi ko pinangarap.

Isang umaga, naliligo siya at papasok nga siya sa trabaho. Inaayos ko ang baon ni Jordan kasi papasok din siya sa school nang maalala ko na wala nga pala akong barya pampabaon kay Jordan. Binibigyan ko pa rin kasi ng cash ang bata kahit may baon na siyang pagkain. Minsan kasi baka may gusto siyang bilhin sa school.

“Jed, wala kasi akong barya, pahingi ng 50 pesos ha, baon ni Jordan,” sigaw ko sa kanya. Sigurado ako rinig naman niya ako kahit nasa banyo siya. Sumagot naman siya at sabi niya ako na daw ang kumuha, nasa pants daw niya na nakasabit sa may likod ng pinto sa kwarto.

Papalapit na ako sa may likod ng pinto para kumuha ng pera sa wallet niya ng bigla siyang sumigaw.

“AKO NA PALA ANG KUKUHA! ASIKASUHIN MO NA LANG SI JORDAN!”

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam pero parang may naguudyok sa akin na pakialaman talaga ang pants niyang isusuot. Kinapa ko ang unang bulsa sa pants niya, nagulat ako nang hindi naman wallet ang nakapa ko. Isang maliit na bagay. Kinuha ko ito, at nagulat na may itinatago pala siya sa akin.

Isang pagkaliit liit na cellphone ang hawak ko ngayon. Cherry mobile ang tatak ng cellphone. Nakakita na ako ng ganito minsan sa mall. Yung tipong sa sobrang liit niya, kayang itago ng isang kamao lang. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ko ang keypad lock. Nagimbal ako sa mga text messages na nabasa ko.

Hon, I rili luv the necklace! Your so swit! Luv mo q tlga!

Paenglish english pa! Hindi naman niya alam kung paano gamitin ang “your” at “you’re”! The nerve!