Kahit na gustong gusto ko ng ibato ang kakapiranggot na cellphone na ito, hindi ko ginawa dahil gusto ko pang mabasa ang ibang messages. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.
C u l8r hon. Muaahh!
Dadalawa ang laman ng inbox. I was about to open the sent items folder nang bigla na lang may humablot ng phone na hawak ko.
“ANO BA?! DIBA SINABI KO AKO NA ANG KUKUHA NG PERA! BAKIT BA HINDI KA MARUNONG UMINTINDI?!” sigaw niya sa mukha ko.
Halos manlamig na ang kamay ko kanina sa galit. Ngayon, dinadagdagan pa niya.
“Saan galing ang phone mong yan?!” tanong ko sa kanya. Pinipilit kong kumalma. Ayokong magbreak down sa harap nya.
“Company phone to,” sagot niya.
Nakakapikon na ang mga kasinungalingan niya.
“Huwag mo akong gawing tanga! Kailan mo pa ako niloloko? HA? KAILAN MO PA AKO PINAGMUMUKHANG TANGA?!”
Sinubukan ko namang babaaan ang boses ko pero ang sakit sakit na talaga kasi.
“Hindi kita niloloko!”
Tangna! Huling huli na nga!
“Jed, nakita ko ang resibo ng binili mong kwintas. Ako naman si gaga, inisip na para sa akin yon! Ngayon nabasa ko sa COMPANY PHONE mong yan kung nasaan na ang kwintas na yon!”
Hindi siya nakaimik. Malamang nagiisip pa siya ng palusot.
“Five thousand! Gumastos ka ng five thousand para sa babae mo! Samantalang ako, hindi naman ako nagdedemand ng kahit ano mula sayo. Kung ano lang ang kaya mong ibigay, yun lang ang tinatanggap ko, pinansyal man o kung ano. Pero para sa kwintas na yan at para sa pa sa babae mo?! Tang ina naman!”
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
“May nagawa ba akong mali?” marahan kong tanong. Binabaan ko na ang boses ko, baka magalala si Jordan na nasa kitchen nga pala.
“I’m sorry,” sambit nya.
Nang bitiwan nya ang dalawang salitang yon, mas lalo akong nanlumo. Totoo nga ang lahat. Humihingi siya ng tawad dahil totoo na ginawa niya ang lahat ng ito.
May babae siya.
May kabit siya.
PERFECT!
I wanna shout sarcastically.
Napaupo ako sa kama habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.
“Mahal mo ba siya?”
Baliw na ata ako para itanong ang bagay na yon. Alam kong masasaktan ako sa isasagot nya pero kailangan kong malaman.
“Ikaw ang mahal ko,” sagot ni Jed.
Tiningnan ko siya ng masama.
“Kung ganon bakit?! Ano yon? Nangati ka lang at pagkatapos nagkataon na wala ako sa tabi mo at siya ang nandon?!”
“Rachel, mabilis ang mga pangyayari—“
Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at sinampal ko siya. Hinawakan niya ako sa braso at niyakap niya ako. Pinipilit ko siyang ilayo mula sa akin. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang maamoy. Pakiramdam ko naamoy ko ang babae niya. Nasusuka ako.
Nang araw na yon, nagdesisyon na ako. Makikipaghiwalay ako sa kanya. Isasama ko si Jordan. Kina Mama muna siguro ako. Nang sinabi ko kay Jed ang desisyon ko, hindi siya pumayag. Hindi daw niya kakayanin kung mawawala ako at ang anak niya. Sana inisip niya yon bago niya ginawa ang katarantaduhang yon!
“Wala na kami ni Shiela. Hiniwalayan ko na siya. Rachel, ikaw ang pinipili ko,” sabi pa niya. Dala ko na ang mga gamit namin ni Jordan at palabas na kami ng bahay.
Tiningnan ko siya.
“Hindi kita pinapapili Jed. Matagal ka ng nakapili, mula ng makipagrelasyon ka sa babae mo!”
“Rachel, pagusapan naman natin to! RACHEL!” sigaw niya.
Hindi ko siya pinakinggan. Kapag naririnig ko ang boses niya, mas sumisidhi ang galit ko.
Isang linggo na din kami kina Mama, at isang linggo na din si Jed sa panunuyo sa akin. Umuwi na daw kami. Alam ni Mama ang ginawa ni Jed, alam din niyang mali, pero pagdating sa pagdedesisyon, hinahayaan ako ni Mama. Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya na makita niya ang anak niya.
Mahal ko pa naman siya. Hindi naman madaling mawawala yon pero nasaktan talaga ako sa ginawa niya. Kung tutuusin para din naman kaming hindi naghiwalay. Sa salas natutulog si Jed dito sa bahay ni Mama. Alam ko na these past few days, sa amin talaga ng anak niya ang atensyon niya. Siya ang nagaasikaso sa amin.
Isang gabi kinausap niya ako ng seryoso. Bigyan ko daw siya ng isa pang pagkakataon. Babawi daw siya sa lahat ng nagawa niya. Ayoko na din namang mahirapan si Jordan sa set up namin na ganito kaya pumayag ako.
Bumalik kami ni Jordan sa bahay. Nalaman ko din na buntis pala ako. Tuwang tuwa si Jed nang malaman niya na magiging dalawa na ang anak namin. Siguro isa na din yon sa dahilan kung bakit pumayag na din akong makipagbalikan sa kanya. Hindi biro ang magpalaki ng bata ng walang katuwang.
Maayos naman ang lahat. Hanggang sa makapanganak ako kay Jella. Masaya naman. After a month nang makapanganak ako, bumalik na din ako kaagad sa trabaho. Mas kailangang kumayod kasi dalawa na ang supling namin.
Ipinaghanda pa nga namin si Jella nung one year old na siya. I uploaded pictures on facebook. Nagtag at kung ano ano pa, nang may mahagip ang mata ko dun sa comment sa isang post ng friend ko sa Home page ng facebook. Jed Salcedo ang pangalan. Kapangalan pa ni Jed. I mean, middle name niya ang Salcedo. Iba ang profile picture eh. Parang character sa kung saan. I click his name, pero page not found daw.
Hindi naman ako tanga. Ginamit ko ang facebook account ng Mama ko. I searched Jed Salcedo and voila! I saw his account. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nakablock ang account ko sa fb ng Jed na ito. Pero bakit? Diba? Sino ba siya? Matagal ng walang facebook si Jed diba? Pero wala na nga ba?