Perfect

Chapter 4

Nov 28, 2025 4 / 4
Previous Next

I saw his posts. Kokonti ang friends niya at nakuha ng atensyon ko ang pangalang Shiela Navarro. Shiela. I heard that name before at hinding hindi ko makakalimutan ang pangalang yon.

Bumilis na ang tibok ng puso ko. Magkapangalan lang ba talaga sila? Malimit magcomment yung Shiela sa posts nitong si Jed. Naglogout agad ako kasi bigla kong narinig na papalapit ang boses ni Jed. Siya naman daw ang gagamit ng laptop.

“Wala ka namang facebook, maglalaptop ka pa,” sabi ko.

“May gagawin akong report,” sagot niya.

“Okay, so pwede kong tanggalin ang saksak ng internet. Mamamlantsa kasi ako eh,” pagdadahilan ko. Report lang, di kailangan ng internet.

“Paano ko ieemail?”

On second thought, hinayaan ko siya. May naisip akong plano.

Narinig kong tumunog ang phone niya, tininingnan ko kung sino ang nagtext. 4438 lang pala. Hindi ko na lang pinansin. Wala naman akong pakialam sa points at rewards niya na nakukuha.

Nang matapos na siyang gumamit ng laptop, kinuha ko ito at tiningnan agad ang browser history. Halos hindi ako makahinga. Tama na naman ang hinala ko. Siya nga ang Jed Salcedo na nabuksan ko kanina. Kung ganon hanggang ngayon sila pa din ng Shiela na yon?

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Hindi ako nakatulog sa pagiisip. Sabi nila ayos lang daw eh kung iba iba ang babae ng isang lalaki. Ibig sabihin ikaw pa din ang mahal non, sayo pa din uuwi yon. Pero kapag may suki na at matagal na sila. Ibang usapan na yon. Pinipigilan kong humikbi sa gitna ng mga iyak ko. Baka magising ang lalaking katabi ko.

Now tell me, ito ba ang perpektong buhay na sinasabi nila? Maganda naman ako, mabait, sexy, matalino. I can even satisfy his needs pero bakit?

Kinaumagahan, pinapalitan ko ng diaper si Jella nang tumunog ang phone ni Jed. Nakalagay ito sa kama. 4438 na naman ang nagtext. Hindi ko ulit pinansin. Points at rewards na naman. Binuhat ko na si Jella ng tumunog na naman ang phone niya. 2 messages na from 4438. Kunot-noo kong dinampot ang cellphone at binasa na nga ang text ng 4438. Halos mabitiwan ko si Jella nang mabasa kong ibang klaseng points at rewards pala ang hatid ng 4438 na ito. Hindi ito mula sa Globe.

Dee, nagtxt aq sau kgb, nk2log k n ata? Nkta mo b ung bgo qng pix sa fb? Tinag kita. Luv u. Ginawa pala ni Jed na 4438 ang name nung babae niya sa phone niya. Oo nga naman, para nga naman kahit magtext ang babae niya eh hindi ko papansinin dahil iisipin ko na points lang yun mula sa Globe.

“Nakita mo ba yung phone k--?” tanong ni Jed pagkapasok niya sa kwarto.

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at ibinato ko sa kanya ang phone na hawak ko.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Sinungaling ka! Pinaniwala mo ako na okay ang lahat! Na okay tayo but we were never okay!” sigaw ko sa mukha niya.

“Rachel, ano bang sinasabi mo?”

Kinuha ko ang remote at binato ko sa kanya. Natamaan siya sa dibdib. Wala na akong pakialam kahit masaktan pa siya dahil walang wala yon kumpara sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“You convinced me na wala kang facebook. Na ayaw mo ng facebook kasi sabi mo you want some privacy! Pero ang totoo, privacy nyo ng kabit mo ang gusto mo! At ngayon, pati ba naman sa pangalan sa phonebook manggagamit ka pa!”

Halos mamutla siya sa sinabi ko. Nagulat siguro siya na alam ko na ang lahat.

“Jed, I gave you another chance. Another chance to prove to me na mahal mo ako at ang mga anak natin. Akala ko ng ipanganak ko si Jella, magbabago ka na, pero mali na naman ako. Buong buhay ko akala ko okay ako. You made me feel na wala akong ginawang tama. You made me feel like I’m a loser. Lahat naman ginagawa ko to make this marriage work. Tinanggap kita, kasi sabi ko, baka nature lang ng mga lalaki yon, ang mambabae.

Sinabi ko pa nga sa sarili ko na gagraduate din si Jed dyan sa pambababae. Magsasawa ka din, sabi ko pa. Pero parang sa akin ka naman nagsawa eh. Sabi nila, I am a good example of a perfect wife. Lahat daw nasa akin na. Yung iba ko ngang friends from college, naiinggit sila sa akin, cause I have the perfect family daw. Lahat nasa akin, except you Jed. Ikaw lang ang kulang. Pinangahawakan ko yung sinabi mo na ako ang mahal mo, pero sa nakikita ko ngayon, na hanggang ngayon pala eh may relasyon pa rin kayo ng kabit mo. I seriously doubt it.”

“I love you Rachel,” sabi niya.

Sinampal ko siya. Malakas. Nagsimulang umiyak si Jella samantalang ako kanina pa tumutulo ang mga luha ko.

“BULLSHIT! Bullshit ka! Bullshit kayong dalawa!! Alam mo sana, hinayaan mo na lang ako noon. Sana hinayaan mo na lang na mawala kami sa buhay mo. Sana hinayaan mo na lang akong magmove on.”

“I’m sorry. Sinubukan ko naman. Nang mabawi ko kayo, sinabi ko sa sarili ko na magtitino na ako. Na this time, kayo na lang ng mga anak ako. Hindi ko na siya itinetext. Umiiwas na ako sa kanya. Nalaman ko na buntis pala siya. Akala niya binata ako.”

Napahagulhol na ako sa sinabi niya. Natakpan ko ang bibig ko sa sobrang sakit. Nagpakilala pa talaga siya na binata siya?! For Pete’s sake!

“Sinabi ko na sa kanya na may pamilya na ako, sabi nya wala daw siyang pakialam, mahal daw niya ako at willing siyang makihati.”

“Pwes ako hindi! Hindi ako willing makihati! Maghiwalay na tayo!”

This time siguradong sigurado na ako. Pagod na pagod na akong marinig ang mga kasinungalingan niya. “Rachel, please. Kayo ang pamilya ko. Wag namang ganito,” pagmamakaawa niya sa akin habang hawak niya ako sa braso. Inalis ko ang kamay niya.

“Hindi pamilyang matatawag ito Jed, dahil ang pamilya hindi winawasak. Binubuo iyon but it’s too late for us.” Nang araw na yon, umalis na kami sa bahay. Kasama ko ang dalawa naming anak at wala akong katiting na balak na iwan sa kanya ang isa sa kanila.

Iniisip ko na lang that this is not the end of the world. Asawa lang ang nawala sa akin, hindi ang buo kong pagkatao. Kaya kong bumangon. May mga anak ako at sa kanila ko ibubuhos ang atensyon at pagmamahal ko. We will survive, I know. Ang hindi ko kayang isurvive ay ang panloloko at panguuto niya sa akin. I don’t deserve him. Hindi lang naman sa akin nangyayari ang ganito. Hindi ako ang unang babaeng pinagtaksilan. Marami sa kanila ang natuto, ilan naman ang hindi. Pero ako, hindi na ako papayag na lokohin niya ulit. Hinding hindi na ako magpapauto sa kanya. I learned my lesson. There’s more to life than him. Kuntento ako with Jordan and Jella. With my two little angels, my life is PERFECT.

-END-