With This Ring

Chapter 3

Nov 28, 2025 3 / 10

Chapter 3

CHAPTER THREE

“M

ATTHEW, dude, you need to unwind. It’s been five months already since… since, you know, Blair,” sabi ni Dhen.

Pinsan ito ni Matthew sa mother side. Magkapatid ang kanilang mga ina at ito ang pinakamalapit sa kanya. Kahit siya ang nagmamay-ari ng Heaven’s Light, si Dhen ang general manager ng bar. And right now, his cousin was pestering him inside his office at the Rivera Industries. Ilang beses kasi siya nitong tinawagan upang imbitahin na mag-inuman ngunit tinanggihan niya. Alam kasi niya ang agenda ni Dhen—he wanted him to go out and meet some women. But truthfully, that was the last thing on his mind kahit limang buwan na ang nakalilipas.

“Umuwi ka na lang kaya, Dhen?” nakangiting sabi niya. “Or better yet, ask Denise out to dinner tonight.” Ang girlfriend nito ang kanyang tinutukoy.

His cousin made a face. “See? Ni hindi mo nga alam na break na kami ni Denise. That’s because you’re too busy locking yourself away from the world.”

Nalaglag ang kanyang mga panga. “You what?”

“Wala na kami ni Denise. We broke up two months ago.”

“Wow, I mean… I’m sorry, I didn’t know,” sabi niya nang makabawi sa pagkabigla. “Pero paano? I thought you two had always in love with each other.”

Nagkibit-balikat ang kanyang pinsan. “We simply just fell out of love. Hey, it was a consensual breakup. We’ve got no hard feelings for each other. In fact, we remain good friends.”

He snorted bitterly. “Mabuti ka pa.”

Dhen raised both hands. “Look, Matt, please go out with me tonight. Let’s have some fun. Come on, you deserve it.”

“I think I’ll pass, Dhen.”

“Come on, man, let’s go out,” giit nito. “Don’t be too hard on yourself. You have the right to be happy, man. And I don’t mean getting into a relationship right away if you’re not ready. I just want you to have fun for the time being. Don’t miss out on good things. You have to be open to new beginnings.”

Bumuntong-hininga uli si Matthew dahil wala naman talaga siyang masabi roon.

“Sa Heaven’s Light lang naman tayo pupunta. Let’s have a drink. Okay, just think of this as a visit to your bar. Matagal ka nang hindi nakapunta do’n. The renovation’s almost done and you haven’t seen it yet.”

With a defeated sigh, tumango si Matthew dahilan upang ngumisi si Dhen. Not more than thirty minutes later, nasa Heaven’s Light na sila. Medyo matao ang bar dahil Biyernes. Aakyat sana si Matthew sa hagdan patungo sa private office ng kanyang pinsan upang doon na lang mag-inuman ngunit hinila siya nito patungo sa counter.

“I’d rather drink upstairs,” he told his cousin scornfully.

Marahan itong tumawa. “Allergic ka na ba sa mga babae ngayon, pinsan?”

Hindi napigilan ni Matthew ang pabirong suntukin si Dhen sa braso. Tumawa lang ito at tinawag ang bartender. “Joe, vodka cranberry for two. Thanks.”

Walang nagawa si Matthew kundi umupo na lang sa high stool at hintayin ang vodka cranberry. Mula sa sulok ng mga mata ay napansin niyang nakatingin si Dhen sa paligid. Naghahanap siguro ng babaeng maaakit sa charm nito ngayong gabi.

He puffed out his cheeks and let out his breath. “Just leave me out of your crazy—”

Pinutol ng pinsan ang kanyang sinasabi. “Whoa, those girls are hot. You’d better look, man.”

He tightly pressed his lips together. “Not interested.”

“Come on, just give a look.” Siniko siya ni Dhen kaya wala siyang choice kundi lumingon. “They look so damn fine, am I—

w

here the hell are you looking? To your left, Matt. But just so you know, that girl in the maroon dress is mine. You can have her friend.”

Nalaglag ang mga panga ni Matthew. Not because the girl in the maroon dress looked hot, indeed, kundi dahil hindi niya inaasahang makikita ang babae nang gabing iyon. Hell, it had been five months already and he had not seen her since that day—their first and only meeting. And damn, something deep inside him jumped at the sight of her. He fought the urge to jab his chest.

“Shut up. Leave her alone. Humanap ka na lang ng iba,” sabi niya sa pinsan bago pa man mapag-isipan ang mga katagang lumabas mula sa kanyang bibig. Parang gusto tuloy niyang ikulong si Dhen sa opisina nito.

“Oh, wow! So, interesado ka rin sa naka-maroon?”

Tumingin siya sa pinsan habang nagsasalubong ang mga kilay. “Just pick another girl, Dhen.”

Much to his annoyance, Dhen grinned devilishly. Magsasalita pa sana si Matthew ngunit dumating na ang kanilang vodka.

“Well, may the best man win.” Kumindat ang kanyang pinsan bago tuluyang lumapit sa dalawang babae.

Oh, crap!

He grabbed his own vodka and followed him. “Dhen! Wait up!”

HAZEL squirmed in her seat uncomfortably. Her dress rode up slightly higher to reveal even more of her thighs. Hindi siya komportable sa kanyang suot. The maroon sequined dress with long sleeves her good friend and neighbor lent her was hugging her body perfectly, showing how curvaceous she was and she was honestly not comfortable with it. Napatingin tuloy siya kay Khrys na komportableng nakaupo sa harap niya. Nakasuot ito ng black dress na lace ang sleeves; the plunging neckline of her dress revealed her cleavage.

Ideya ni Khrys ang pumunta sa Heaven’s Light dahil bored ito. Pumayag si Hazel dahil matagal na rin siyang hindi nakakapunta ng bar, ngunit ang hindi niya inaasahan ay kailangan pa nilang magsuot ng tight-fitting dress.

“Kailangan pa ba talagang magsuot ng ganito?”

naalala niyang itinanong sa kaibigan.

“Of course. Para naman may makapansin sa atin, `no. You need to find yourself a man, sweetheart. Kailangan mo nang palitan si Lance sa puso mo.”

Umirap siya. “Lawrence,” pagtatama niya sa pangalan ng kanyang ex. “At matagal na siyang wala sa puso ko.”

“Then what’s stopping you? Let’s go out and grab ourselves a man.” Khrys laughed.

And so here they were, drinking mojitos at Heaven’s Light while man-hunting. Well, at least iyon ang ginagawa ng kanyang kaibigan. Kanina lang ay may lumapit na isang lalaki sa kanila at niyaya si Khrys sa counter, pero tinanggihan nito ang lalaki dahil ayaw siyang iwang mag-isa kahit na sinabi niyang okay lang.

“You had your chance, Khrys. I can’t believe you let the guy go. Now, you’re here stuck with me and probably getting bored.”

Ngumiti ito pagkatapos sumipsip ng mojito. “Okay lang, ano ka ba? Ayoko namang iwan kang mag-isa. Kung may kaibigan `yong lalaki, okay lang. Pero siya lang mag-isa, eh.”

Ngumisi siya. “Well, thank you for considering my feelings.”

Tumawa si Khrys. “Hey, what are friends for?”

Magsasalita pa sanang muli si Hazel nang may tumikhim mula sa likuran. Hindi na niya kailangan pang lumingon dahil base sa expression ni Khrys ay tiyak na lalaki ang nasa likuran niya.

“Hello, ladies,” bati ng isang lalaki, nakangiti habang nakatingin sa kanila.

Guwapo ito, hindi niya iyon maipagkakaila.

“Well, hello…” Ngumiti si Khrys sa lalaki.

Ganoon din si Hazel. Ngunit nanayo ang kanyang balahibo nang muli ay may maramdamang presensiya sa kanyang likuran. A male presence, she could swear.

She squirmed again.

Okay. This guy is definitely not alone.

“Let me introduce myself. I’m Dhen and this guy…” He gestured behind her. “His name is Matthew, and he’s my cousin.”

Isang mahinang pagsinghap ang lumabas mula sa lalamunan ni Hazel bago pa man iyon mapigilan. Alam niyang napakaraming ‘Matthew’ sa Pilipinas ngunit parang kilala niya ang Matthew na tinutukoy ng lalaki na nasa likuran niya. Para bang may mga mata sa likod ng kanyang ulo.

“Hello, Hazel. It’s nice to see you again.”

Muli siyang napasinghap, sabay lingon. Kilala niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. At hindi nga siya nagkakamali.

i

t was Matthew Rivera.

“M-Matthew!” Agad siyang tumayo dahilan upang gumiwang-giwang ang four-inched heels na suot.

Matthew immediately reached for her before gravity pulled her down. His calloused hand held her forearm to steady her while the wine in his glass spilled over as he hurriedly tried to catch her. Napakalapit ng lalaki at naaamoy niya ang pabango nito. Nang mabawi na niya ang balanse ay agad na binawi ni Matthew ang kamay nito na para bang nakuryente.

“Oh, wow! Magkakilala kayong dalawa?” sabay pang tanong nina Khrys at Dhen.

Ngumiti si Matthew. “Yeah, we do. It’s kind of a long story, actually.”

Lumingon si Hazel kina Khrys at Dhen. Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang nang-iintrigang ekspresyon ng kanyang kaibigan.

“Ah, kaya pala…” sambit ni Dhen na ipinagtaka ni Hazel kung ano ang ibig sabihin. “So, ladies, do you mind if we join you?”

Ngumiti si Khrys, kitang-kita sa mukha na gusto nito ang pinsan ni Matthew. “No, not at all.

b

y the way, I’m Khrys. And this is my friend Hazel.”

Muling ngumiti si Hazel kay Dhen. Ngumiti naman ang lalaki sa kanya bago nito binigyan ng tingin si Matthew.

“I think it’s best that I buy you a drink, Khrys?” Dhen offered, ang mga mata ay nakatuon sa kanyang kaibigan. “Hayaan muna natin ang pinsan ko at ang kaibigan mo para naman makapag-usap sila nang maayos,” dagdag nito na may kasama pang kindat.

Napa-‘oh’ si Khrys, saka tumango at tumayo mula sa kinauupuan. Umalis ang dalawa patungo sa counter at naiwan silang dalawa ni Matthew.

Tumikhim si Hazel at ganoon din ang binata. Ngumiti siyang muli habang unti-unting umuupo sa upuan.

“So, kumusta ka na?” tanong ni Matthew matapos itong makaupo sa katabing upuan.

“Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka na?” Gusto sana niyang magtanong tungkol sa ex-girlfriend nito ngunit inunahan siya ng pag-aalinlangan. Wala naman kasi siyang karapatan na magtanong tungkol doon.

“I’m doing okay,” sagot ng lalaki bago sumimsim sa hawak na kopita. “

h

onestly, I’ve never been better. But Dhen believes I’m not.”

Napatango siya at napangiti. “So, dinala ka ng pinsan mo rito?”

Marahan itong tumawa. “Uh-huh. He wants me to hook up with someone. But really, that’s the last thing I want to do right now.”

“Bakit naman? Hindi ka pa ready?” As soon as the words came out, she wanted to kick herself. “Ahm, sorry. Huwag mo nang sagutin pa ang tanong,” aniya habang yumuyuko.

Tumugon pa rin si Matthew. “I haven’t met the right woman yet—the right woman who’s worthy enough to have my trust.”

Napatingin si Hazel sa mga mata ng binata. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin. He trusted Blair, loved her, but she ended up breaking his heart.

Hazel smiled slightly. “I’m sure makikita mo rin ang babaeng para sa `yo, Matthew.”

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “I know.

i

t’s like trying to find a needle in a haystack, but I’m sure there’s a woman for me.”

“That’s the spirit. Don’t give up,” aniya habang inilalapit ang baso sa bibig.

Awtomatikong napatingin ang binata sa kanyang kamay.

“You’re still wearing the ring,” wika nito.

“Ahm, oo,” sabi ni Hazel at tiningnan ang singsing. Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanyang bibig nang muling tumingin sa mukha ni Matthew. “Alam mo ba, dahil sa singsing na ito, walang masyadong lalaking lumalapit sa akin. Akala kasi nila, engaged na ako.”

Tumawa si Matthew sa kanyang sinabi. His dark eyes were twinkling with laughter. “Seriously?”

Tumawa rin siya. “I’m serious. Lahat sila ay umuurong kapag nakita na ang singsing. It’s kind of funny, to be honest. It’s like this ring is protecting me from future heartache.”

“You mean to tell me, ever since I gave that to you, hindi mo pa inaalis `yan sa kamay mo?”

Tumango siya. “Uh-huh.”

Muling tumawa si Matthew, makikita sa mga mata na naaaliw. “You know what? Take it off. You deserve to be with someone. You’ll never know, isa sa mga lalaking iyon ang karapat-dapat para sa `yo.”

Ngumisi siya at umiling. “Nah. I’m still enjoying being single.”

Hindi sumagot ang binata, sa halip ay nanatili lamang na nakangiti sa kanya. He raised his glass to his lips and took a sip of his vodka cranberry.

Kapwa sila natahimik, pero hindi naman awkward. Tumingin si Hazel sa mga mata ng kaharap at nahuli niya itong nakatingin din sa kanya. Siya na rin mismo ang nagbaba ng tingin.

“Hey,” untag nito kaya muli siyang nag-angat ng tingin. “Pasensiya na kung hindi ako nakapagpaalam sa `yo five months ago. Hindi ko sinadyang iwan kang mag-isa. I meant to call to check whether you got home safely and sound but then, I stupidly realized I didn’t have your phone number.”

“Your PA brought me home. Sabi kasi niya, magagalit ka raw kapag hindi niya ako maihahatid. Hindi ko alam na nakakatakot ka pala,” tudyo niya at tumawa naman ito.

“Gusto ko lang naman kasing makasigurong safe ka sa pag-uwi mo.”

Hindi mapigilan ni Hazel na mapangiti. Para siyang teenager na kinikilig sa harap ng crush.

Hold it together, Hazel Ann!

“Hey.” Biglang lumitaw si Dhen at sabay silang lumingon. “Khrys and I are going out. Sa Club Octagon lang kami. Gusto ninyong sumama?”

Tumingin si Matthew kay Hazel. “Gusto mong sumama?” tanong ng binata sa kanya.

Umiling siya. “Ahm, I think I’ll pass.”

“Sigurado ka?” tanong ni Khrys.

Tumango siya. “Ayokong magpagabi. Alam mo naman, si Papang lang mag-isa sa bahay.”

“Ay, oo nga pala. Sige, tatawag na lang ako ng taxi para sa `yo—”

“Hindi na kailangan, Khrys. Ihahatid ko na siya,” maagap na sabad ni Matthew.

Napatingin si Hazel sa binata. Hindi ito mukhang nagbibiro. “Oh, you don’t have to, Matthew. Ayokong makaabala pa sa `yo. Magta-taxi na lang ako. Huwag mo na akong aalahanin.”

“I insist. Please don’t argue with me, Hazel.”

Her heart rate picked up at the sound of her name on Matthew’s lips. It was as though it was the first time he said her name.

“Well, there you go. Matthew will drive Hazel home, at si Khrys naman ay sasama sa akin. So, let’s go,” sabi ni Dhen.

“Hindi mo ako ihahatid?” tanong ni Khrys kay Dhen. Nakasimangot pa ang babae na waring isang bata na may gustong ipabili sa ina.

Hindi naman slow si Hazel para hindi mapansing nagpi-flirt ang dalawa sa isa’t isa.

“Oo naman, cupcake. Ihahatid kita pauwi. Huwag kang mag-alala.” Dhen smiled flirtatiously at her friend.

“Okay. Come on, let’s go,” sabi ni Matthew sa kanya.

Agad naman siyang tumayo mula sa kinauupuan. Pagdating sa labas ay agad na nagpaalam sina Khrys at Dhen. Sila naman ay naglakad patungo sa itim na kotse ni Matthew. Binuksan nito ang pinto para sa kanya. Moments later, tinatahak na nila ang daan patungo sa kanyang bahay matapos sabihin ang address.

“So, what do you do?” mayamaya ay tanong ng binata.

Mula sa labas ng bintana ng kotse ay napatingin siya rito. “Oh, I’m a painter.”

“Talaga?”

Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Matthew.

Tumawa siya. “Oo, seryoso. Most of my work has been auctioned and some are displayed in the art gallery.”

“Wow! Now I’m curious. Gusto ko tuloy makita ang mga gawa mo.”

“Ahm, maybe someday?”

“You have to promise me.” He was grinning and he looked even more attractive.

Tumawa si Hazel. “Kailangan pa ba talaga?”

“Of course.”

“Hmm, just come over to my house some time and I’ll show you my paintings.”

“Tatandaan ko `yan.” Muling nag-concentrate ang binata sa pagmamaneho.

Napansin din niya mula sa sulok ng mga mata na nakangiti pa rin si Matthew. Hindi na rin niya napigilang mapangiti. Pagkatapos ng ilang minuto ay narating na nila ang kanyang bahay. Nakita niyang nakapatay ang ilaw sa loob maliban na lang sa porch. Baka tulog na ang kanyang papang. It was already past ten in the evening anyway.

“So, ahm, this is it. Goodnight, Matthew. At maraming salamat sa paghatid mo sa akin.” She turned to smile at him, reaching for the door panel, but he already slid out and walked over to her side. Binuksan nito ang pinto para sa kanya. Hindi lang ubod ng guwapo si Matthew kundi maginoo rin. Nagtataka siya kung bakit ito pinakawalan ni Blair.

Tumingin ang binata sa kanya at ngumiti nang tuluyan siyang makalabas ng sasakyan. “Walang anuman. Goodnight, Hazel.”

There goes my heart again. Goodness!

“Ahm, sige. Goodnight. At salamat uli, Matthew. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” As soon as the words came out, she wanted to die. Para siyang girlfriend nito kung magsalita.

Wait, friends can say those words, too! Hindi lang naman girlfriend ang may karapatang magsabi n’on.

“I will.” His reply and blinding smile broke her reverie.

Muling ngumiti si Hazel bago tumalikod at tinungo ang gate. Mula sa likuran ay ramdam niya ang presensiya ni Matthew na nakatayo pa rin habang pinagmamasdan ang kanyang kilos. Nang matiyak na ligtas na siya sa loob ng gate ay noon lang ito lumakad pabalik sa kotse.

She caught his smile for the last time before he rode in the car and she found herself smiling in return.