With This Ring

Chapter 9

Nov 28, 2025 9 / 10

Chapter 9

CHAPTER NINE

E

VERYTHING turned out great and Hazel was really grateful. Tama si Matthew, maiintindihan nga ng kanyang papang. Kagabi ay sinabihan niya ang ama tungkol sa pagkikita nila ng tunay niyang ina. As expected, mangiyak-ngiyak ito habang nakikinig. Masaya raw ito dahil sa wakas ay nakita na niya ang kanyang tunay na ina. At the same time, nalulungkot din dahil nalalapit na raw ang kanilang paghihiwalay. Pero tiniyak niya sa kanyang papang na hindi siya aalis na hindi ito kasama, na kahit saan pa siya magpunta ay lagi niya itong kasama. And that was when she told him about moving in together with her biological mother.

At first, walang masabi ang kanyang papang at nag-alala siya sa magiging reaksiyon nito. Ayaw kasi niyang mamili kung sino ang dapat samahan. Pilit niyang ipinaintindi sa ama na hindi niya magagawang mamili kung saan siya titira at hindi rin niya ito kayang iwan. Her father was not ready to make a decision yet, so he asked for a little time to think things over. Naiintindihan din naman niya ito kaya willing siyang maghintay.

Ngayon ay nasa Starbucks si Hazel, nakapila para bumili ng mocha frappe. Kagagaling lang niya sa Leticia Boutique na pagmamay-ari ng kanyang ina. Sinabi niya rito ang naging usapan nilang mag-ama. Leticia promised to talk to him tomorrow, para na rin daw makapagpasalamat nang personal.

“One grande mocha frappe, please,” nakangiting sabi ni Hazel sa attendant. Once she got her frappe, she turned around, only to almost drop it on the floor.

Blair was standing right in front of her. Hindi niya inaasahang naroon ang ex-girlfriend ni Matthew na nagkataong pinsan pala niya. At base sa ekspresyon ng mukha ng babae, parang alam nito na nandoon siya. Wala kasi sa mukha nito ang pagkabigla.

“Blair…” Pinilit niyang ngumiti ngunit hindi niya magawa. Blair was nothing but friendly when Leticia introduced them to each other. Ngunit hindi siya sigurado kung totoo ang ipinapakita ni Blair o isa lamang kaplastikan. Hindi lang talaga mawala sa kanyang isip na ang babaeng ito ang sumugat sa puso ni Matthew.

“Hello.” Ngumiti si Blair na nagpalitaw ng dimple nito. “Nakita kitang papunta rito kaya sinundan kita. I just want to talk to you, if you don’t mind.”

“Oh,” sambit niya. Nang dumeretso ito sa kalapit na mesa ay sumunod siya. Ayaw niyang maging bastos. At isa pa, pinsan niya ito. Dapat lang na kilalanin nila ang isa’t isa.

“I hope you’re not busy or something.” Blair smiled sheepishly.

“Ahm, hindi naman. So, ano ba ang kailangan nating pag-usapan?”

“Hihingi sana ako ng favor sa `yo. Puwede mo ba akong tulungan kay Matthew?” biglang tanong ng babae, tila hindi uso rito ang magpaligoy-ligoy. “I know I hurt him in the past but I want him back. I realized he’s the perfect man for me. Please help me out, Hazel. Sa tingin ko ay matutulungan mo ako.”

Her knuckles turned white as she balled her hand into a tight fist. Ano ba ang akala nito kay Matthew? Isang laruan na puwede lang itapon, pagkatapos ay kukunin kapag ginusto? Pinilit niyang lunukin ang galit na nararamdaman. “Pasensiya na, pero hindi kita matutulungan. If Matthew wants you back, then he’ll find a way. I’m sorry, Blair.”

“Kayo na ba ni Matthew?”

Hazel was taken aback at the unabashed curiosity. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makasagot. Wala lang talaga siyang maisagot sa tanong ni Blair.

Bumuntong-hininga ang babae. “It’s all right kung ayaw mo akong tulungan. I’ll just do it myself, then. Thanks, though.” Aakmang tatayo na ito nang matigilan. “Oh, and one more thing…” Tiningnan nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa at natuon mismo ang atensiyon sa suot niyang singsing. “Can I have that ring back? Alam kong `yan ang singsing na ibibigay sana ni Matthew para sa akin. I know I rejected his proposal, but that’s mine in the first place. Am I not right, Hazel?”

Her other hand protectively touched the ring. “Pero ibinigay niya ito sa akin. It’s no longer yours.”

Naging mas seryoso ang mukha ni Blair. “Hazel, please. Hindi mo ako matutulungang magkabalikan kami ni Matthew, `di ba? Can you at least give it back to me? It’s the only favor I want from you,” pagsusumamo nito. “Please, Hazel. I just want the ring back.”

“You didn’t want this ring, remember?” Hindi niya mapigilang magtaas ng boses.

“It’s still mine. Binili `yan ni Matthew para sa akin. When he bought that ring, he was thinking of me. Ibinigay lang niya sa `yo dahil hindi niya magawang itapon, but now I’m claiming it.”

“Gano’n lang ba kadali para sa `yo ang lahat, Blair? You broke Matthew’s heart and now you want him back?”

“Kung ano man ang namagitan sa amin ni Matthew, wala ka na ro’n. I want the ring back because I believe it’s mine.”

Mariing nakagat ni Hazel ang ibabang labi.

h

indi na siya magtataka kung magdurugo iyon. Hindi kasi siya eskandalosang tao at ayaw niyang sigawan si Blair.

“Hindi naman siguro nag-propose si Matthew sa `yo, `di ba? Then the ring has no value to you. Unless kung plano mong ibenta `yan which I know would cost a lot.” Nang hindi siya sumagot ay tiningnan siya nito nang mataman. “Oh, my God, you’re in love with him!” mayamaya ay bulalas nito. It was not even a question.

Dahil bistado na, hindi siya makatingin nang deretso sa kaharap.

Tumawa ito nang mapait. “Don’t tell me, iniisip mo na ibinigay ni Matthew ang singsing dahil may pagtingin din siya sa `yo? Don’t be such a pathetic little fool, Hazel. It doesn’t mean anything. Ibinigay niya sa iyo ang singsing without any meaning.”

“Don’t you think I know that, Blair?”

“Then, why won’t you give it back to me?”

“Because it isn’t yours.”

“Hindi ba sumagi sa isip mo na mas maganda kung ang ibinigay niyang singsing ay talagang para sa `yo? Iyong ikaw lang ang iniisip niya habang pumipili ng singsing na babagay sa kamay mo?”

Hazel looked at Blair with a straight face, refusing to let her words get to her. “Tapos ka na ba? May pupuntahan pa kasi ako, eh.” Tatayo na sana siya ngunit biglang pinigilan ng babae. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

“Kung ibibigay mo sa akin ang singsing, hindi na kita guguluhin pa. Please, Hazel. Give me back the ring,” muling pagsusumamo nito.

Napalunok si Hazel. The ring was given to her by Matthew. True, it was not really meant for her in the first place, but Blair did not want it the first time.

“Kung gusto talaga ni Matthew na bigyan ka ng singsing, bibili siya ng para sa `yo. Pero akin ang singsing na `yan—”

Making up her mind, she swept her hand away and took the ring off her finger. Walang sabi-sabing inilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa, pagkatapos ay nanggigigil na tumalikod at umalis.

NANG dumating si Matthew sa Heaven’s Light ay naroroon na si Blair at naghihintay sa kanyang pagdating. Ayaw talaga niyang makipagkita sa dating girlfriend ngunit nakiusap ito. Laking gulat na lang niya dahil nakatanggap siya ng text message na gusto raw nitong makipagkita sa kanya. He texted back, saying that he couldn’t but she insisted, saying it would not take long. Plano pa naman sana niyang puntahan si Hazel ngayon.

Bumuntong-hininga si Matthew bago pumasok sa loob ng bar. Sana nga lang ay hindi tumagal ang pagkikita nila ni Blair. Unfortunately, wala si Dhen sa bar para tulungan siya kung sakaling magiging magulo ang pagkikita nila ni Blair. May date kasi ang kanyang pinsan at hindi niya alam kung sino ang ka-date. He thought Dhen was serious about Khrys, but he was wrong. Apparently, Hazel’s friend was just a brief fling.

“Matthew, over here.” Blair waved at him.

Agad siyang lumakad sa kinaroroonan ng dating nobya. Nakangiti pa ito na para bang walang ginawa sa kanya.

“What do you want to talk about, Blair?” walang ligoy niyang tanong. “You promised this won’t take long. I have to go somewhere.”

Hindi man lang natinag ang ngiti sa mga labi nito kahit na malamig ang kanyang pakikitungo. “Hindi ka ba masayang makita ako, Matt?”

Bumuntong-hininga siya. “Bakit gusto mong makipagkita sa akin, Blair? We’re over, remember?”

“I want you back,” she muttered without missing a beat.

Napakurap si Matthew. He would have laughed but he did not. “Are you out of your mind, Blair? Tapos na tayo. Tinapos mo ang relasyon natin, baka nakakalimutan mo.”

“M-Matthew…” Pain filled her eyes. “I know how stupid I am to let you go, but I realized I was wrong. I want you back, Matthew.”

“For goodness’ sake, don’t tell me that bullshit. Kilala mo ako, Blair. I don’t take cheating lightly. I’m not stupid to want you back. Once is enough!”

Napamaang ito. “Gano’n lang ba kadali para sa `yo na kalimutan ang tatlong taong pinagsamahan natin?”

He laughed sarcastically. “Ikaw mismo ang sumira n’on, Blair. You should have thought about that before you cheated on me. You broke not just my heart, but my trust as well.”

Napuno ng luha ang mga mata ni Blair. “I’m really sorry for what I did, Matthew. I’m really, really sorry. B-but can we please start over again? I swear I won’t—”

“Stop it, Blair,” putol niya sa sinasabi nito. “We can’t be together again.”

Naningkit ang mga mata ni Blair. “It’s because of Hazel, isn’t it?” May kalakip na pait ang pagtawa nito.

Matthew narrowed his eyes. May kinuha ang babae mula sa bag. Hinintay niyang ilapag nito sa mesa kung anuman iyon.

“Ibinigay niya ito sa akin,” sabi ng dating nobya habang inilalagay ang singsing sa harap niya. Lalong kumunot ang kanyang noo. “Gusto kasi niyang magkabalikan tayo, Matthew. She doesn’t have feelings for you. Ni wala ngang value sa kanya ang singsing na ito. She told me it’s mine and that I should have it. She even wished me goodluck.”

He gritted his teeh. “You’re lying.”

Nagkibit-balikat si Blair. “No one loves you more than I do.”

“You’re sick.” He looked at her with disgust. Hindi siya makapaniwalang ito ang Blair na nakilala niya noon.

He reached for the ring but she took it first. Darn, she was fast.

“This ring belongs to me, Matthew. No one else’s but mine and I’ll show you why.”

He watched as Blair wore the ring. Surprisingly, it would not get past her knuckle. She tried again but still the ring was stuck. The ring would not fit.

Bigla siyang tumawa, dahilan upang tumingin si Blair sa kanya. Magkahalong kalituhan at galit ang makikita sa mukha ng dating nobya. Pahablot na kinuha niya ang singsing mula rito.

“I may have bought this for you, but it’s not yours, Blair. It’s Hazel’s. Hindi naging sa `yo ang singsing na `to. She owns both this ring and my heart. It’s time for you to back off,” seryosong wika niya at inilagay ang singsing sa bulsa ng suot na slacks.

Tumingin si Blair sa kanya na para bang sinampal niya ito. Tumayo na siya at iniwan ang babae. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang may pumihit sa kanya paharap—si Blair at bago pa man siya makahuma ay bigla siya nitong hinalikan. Pinulupot pa nito ang mga braso sa kanyang leeg para hindi siya makawala.

Matthew gripped her shoulders and tried to push her away but she tightened her arms around him instead. He pushed her a little rougher this time and she finally budged. “Have a little dignity, Blair.” Iyon lang at iniwan na niya ito nang tuluyan.

Bumuga siya ng hangin nang makalabas na at dumeretso sa sasakyan. Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Hazel. Her voice would be enough to calm him down. Pinilit niyang kalmahin ang sarili habang hinihintay na sagutin ng dalaga ang kanyang tawag.

But she did not answer.

He tried again, but he could no longer reach her.

ALAS-SAIS pa lamang ng gabi ngunit ayon kay Stacy ay maagang nag-out si Matthew. Gusto lang kasing i-share ni Hazel ang kaligayahang nararamdaman. Bumisita ang kanyang ina sa bahay kanina at nagkausap na ito at kanyang papang. Pumayag na rin ang huli na tumira sila sa mansiyon at hindi siya makapaghintay na ibalita iyon kay Matthew. Iyon nga lang ay hindi niya nadatnan ang binata sa opisina nito. Ang pagkakaalam ni Stacy ay patungo sa Heaven’s Light si Matthew.

Walang sinayang na oras si Hazel at dumeretso na sa bar. Sumakay siya ng taxi upang mapabilis ang pagdating.

As she looked out the cab’s window, she subconsciously touched her ring finger and realized the ring was not there anymore. Napabuntong-hininga siya, hindi pa rin sanay na wala na iyon sa kamay.

Ever since she gave the ring to Blair yesterday, she always wondered if the ring was in good hands. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa niya iyon ibinigay. Kung mapapansin ni Matthew na hindi niya suot ang singsing, sasabihin niyang kinuha ni Blair. Hindi naman sa magsusumbong siya. Naisip lang niya na may karapatan ang binata na malaman kung nasaan ang singsing nito. Desisyon na rin nito kung kukuning muli ang singsing o hahayaan na lang kay Blair.

Nang huminto na ang taxi ay noon lang na-realize ni Hazel na nasa labas na pala siya ng Heaven’s Light. Agad siyang bumaba matapos magbayad. Pumasok na siya sa loob at agad na hinanap si Matthew. Kung hindi niya ito makikita, tiyak na nasa itaas ito sa opisina ni Dhen.

Ngunit may nahagip ang mga mata ni Hazel. Napakurap siya, hindi makapaniwala sa nakikita. Naramdaman niya kung paanong nanghina ang kanyang mga tuhod.

Matthew and Blair were kissing each other.

Napuno agad ng mga luha ang kanyang mga mata. She even heard her heart shatter into tiny pieces. Tumalikod siya at patakbong lumabas ng bar. May isang taxi na kabababa pa lamang ng pasahero, agad siyang sumakay roon. Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilang umiyak.

Biglang tumunog ang cell phone ni Hazel. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bag.

It was Matthew.

Bakit ba siya nito tinatawagan? Para ibalitang nagkabalikan na ito at si Blair?

Pumikit siya at binale-wala ang tawag ng binata. Nang hindi na nag-ring ang kanyang cell phone, pinatay niya iyon. Unable to hold it any longer, she rested her head against the window and cried.