Chapter 5
CHAPTER FIVE
M
AHIGIT limang araw din bago natapos ni Hazel ang portrait ni Matthew. At kahit kuhang-kuha ang mukha ng binata, nag-aalala pa rin siya na baka hindi nito magustuhan ang kanyang gawa.
Nang umagang iyon, naglalakad siya sa loob ng Rivera Industries bitbit ang painting na tinakpan niya ng newspaper. Nag-text siya kay Matthew kagabi para sabihin na ihahatid na niya ang painting, ngunit hindi ito sumagot. Umaasa siyang natanggap at nabasa nito ang kanyang text message. Hindi kasi niya magawang tumawag kay Matthew. Baka kasi hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang kaba.
Sumakay si Hazel sa elevator patungo sa top floor na kinaroroonan ng opisina ng binata. Nagtanong siya sa guard pagkatapos niyang mag-iwan ng ID. Tinawagan din ng guard ang assistant ni Matthew para i-inform na naroon siya. Kinagat niya ang ibabang labi habang naghihintay. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahang makita si Matthew.
Nang bumukas ang pinto ng elevator, ang nakangiting mukha ni Stacy ang agad na bumungad sa kanya.
“Miss Fontanilla, it’s nice to see you again,” sabi nito nang lumabas siya ng elevator.
Ngumiti siya. “Hello, Stacy. Ahm, narito nga pala ako para i-deliver itong painting ni Matthew.”
“Oh, the painting. You should have called us, Miss Fontanilla, para kami na lang sana ang kukuha ng painting para hindi kayo mahirapan.”
“No, it’s fine, really. Hindi naman ito mabigat.”
Stacy smiled. “Nasa meeting si Sir Matthew pero puwede mo siyang hintayin sa loob ng opisina niya.”
Magsasalita pa sana si Hazel nang marinig nila ang pagbukas ng elevator. Sabay silang lumingon at nakita si Matthew na lumabas mula sa loob. Nakatuon ang pansin ng binata sa hawak na cell phone. His eyebrows were knitted together as he looked at his phone.
“Damn,” mahinang usal nito sa iritadong tono.
Mukha yatang wala ito sa mood.
She cleared her throat. “Ahm, Matthew?” tawag niya.
Dagling nag-angat ng ulo ang binata. Nagkatinginan sila. Agad na lumiwanag ang mukha nito pagkakita sa kanya. Ang iritasyon na nasa mukha ay biglang nawala na parang bula.
“Hazel.” His lips stretched into a heart-stopping smile. His eyes lingered on her face for a moment before it went down to what she was holding. “Oh, the painting. I’m really sorry—”
“It’s okay, Matthew,” putol niya sa sinasabi nito at ngumiti.
“Here, let me take that.” Kinuha ni Matthew ang painting mula sa kanyang kamay, pagkatapos ay binalingan ang personal assistant. “Stacy, kindly postpone my appointment with Mr. Roxas, please. Make it one o’ clock this afternoon.”
“Oh, Mr. Roxas called. He wants to meet you this afternoon at one o’ clock.”
“Perfect,” sabi ni Matthew. Tumingin ito kay Hazel at iginiya siya sa loob ng opisina. “Umupo ka muna, Haze.”
Ngunit hindi siya umupo. Sa halip, hinintay lang niyang muling humarap si Matthew pagkatapos nitong ilagay ang painting sa gilid. She took the chance to appreciate his look. He was wearing a dark suit, gaya noong una nilang pagkikita. Kahit guwapo si Matthew, makikita pa rin sa mukha nito ang pagod.
“I’m really sorry kung hindi ko nasagot ang text mo kagabi,” wika ng binata nang muling humarap sa kanya. “I was really tired from the trip. Nabasa ko lang ang text mo pagkagising ko. I tried to call but I couldn’t reach you.”
“Nag-charge kasi ako.”
Tumango ito. “Binalak kong dumaan sa bahay ninyo kanina, but I was really late from my eight o’ clock meeting. My alarm clock failed me this morning and I overslept.” He chuckled.
Hindi mapigilan ni Hazel na mapangiti habang ini-imagine ang nagpa-panic na Matthew Rivera. “Okay lang, Matthew. Hindi naman big deal `yon sa akin.”
He smiled, showing off his perfect set of white teeth. “Well, then, I’ll just get the cheque—”
“Hindi, Matthew. Huwag mo na akong bayaran.”
Kumurap ito. “Bakit hindi?”
“Naisip ko kasi na iyon lang ang paraan para makabayad ako sa singsing. Alam kong hindi sapat pero… it’s the least I can do.”
“Ibinigay ko sa `yo ang singsing, Hazel. I’m not asking you to pay for it.”
“I know, but…” Kinagat niya ang ibabang labi. “Please, huwag mo na akong bayaran.”
Bumuntong-hininga si Matthew na para bang pinag-iisipan ang kanyang sinabi, pagkatapos nang ilang segundo ay muling nagsalita. “All right, then let me take you to lunch. Early lunch, I mean, since it’s only ten in the morning. Or would you prefer coffee?”
Ngumiti siya. “Coffee is fine.”
Sa Starbucks sila pumunta since malapit lang iyon sa Rivera Industries Building. Um-order si Matthew ng dalawang tall cappuccino at nang tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang kainin, umiling siya at sinabing busog pa. Umupo muna sila at nagkuwentuhan.
“So, alam ba ng papang mo na pupunta ka sa opisina ko?” tanong ng binata na may naglalarong ngiti sa mga labi.
Alam ni Hazel na naaalala nito ang tagpo sa kanyang bahay noong nakaraang linggo. Tumango siya bilang sagot.
“I like your father. He’s the typical protective type, pero nakakaaliw.”
Tumawa siya nang mahina. “Sinabi mo pa.”
“One thing I noticed about him is his dark eyes. My guess is, nakuha mo ang kulay ng mga mata mo sa mama mo?”
She smiled softly as her fingers played around the coffee cup’s round body. “Hindi sila ang biological parents ko. Isa lang akong ampon, Matthew.”
Halatang nagulat ang binata sa kanyang sinabi. “Oh, really?”
Tumango siya. “Ipinagtapat nila mismo sa akin.”
“Wala ka bang balak hanapin ang tunay mong mga magulang?”
“Noon, binalak ko. Pero hindi na ngayon. Matanda na kasi si Papang. Ako na lang din ang natitira niyang pamilya mula nang mamatay si Mamang five years ago. At isa pa, hindi ko alam kung paano. Isang kuwintas lang kasi ang iniwan sa akin ng totoo kong mga magulang,” pagkukuwento niya habang nilalaro ang four-leaf clover lilac rhinestone pendant ng kuwintas na suot.
“Tutulungan kita,” anito sa seryosong mukha habang tinititigan siya.
“Salamat sa offer mo, Matthew, but it’s okay,” sabi niya. Even though his offer was tempting, she really did not want to bother him. Isa pa, wala na talaga sa plano niyang hanapin ang tunay na mga magulang. At least, hindi pa ngayon.
“If you change your mind, nandito lang ako, okay?”
Tumango si Hazel at nagpapasalamat na ngumiti. “Tatandaan ko ang sinabi mo. So, how about you? Tell me about your family.”
Ngumiti si Matthew. Wala rin siyang nakikitang pag-aalinlangan sa mga mata ng binata, at sa halip ay parang nais pang ibahagi ang tungkol sa pamilya nito. “I’m an only child. My dad passed away when I was five. When I turned thirteen, Mom remarried again but never got pregnant. I’m close to my stepdad. Mabait din kasi iyon.” He was smiling when he said that, at alam niya na masaya ito sa piling ng stepdad. “Nang tumuntong ako ng college, nag-migrate sila sa Amerika pero nagpaiwan ako rito. Every summer ay umuuwi sila rito. Minsan naman, doon ako nagpa-Pasko.”
Nakangiti lang siya na nakikinig at nakatitig sa mukha ni Matthew habang patuloy ito sa pagsasalita. Hindi siya magsasawang titigan ang guwapo nitong mukha at ang maitim na mga mata. Of course, hindi mahahalata ng binata na tinititigan niya dahil nagsasalita ito. She was simply taking advantage of the situation.
“I’m sorry,” he suddenly apologized, making her blink in confusion. “Na-bore ka tuloy sa story ko—”
“No!” bulalas ni Hazel sa medyo malakas na tinig, napatingin tuloy ang ibang customers sa kanila. Tumikhim siya bago muling nagsalita sa mahinang tinig. “No, you didn’t bore me. I was just…” She trailed off, muntik nang maamin na tinititigan niya ito. Ang masama pa roon, naramdaman niyang nag-iinit ang kanyang mga pisngi. “Ahm, no, no, you didn’t bore me.” Iyon lang ang tanging nasabi niya.
You’re so pathetic, Hazel
, lihim na kastigo niya sa sarili.
Unti-unting ngumiti si Matthew. “Enough talk. Why don’t we have lunch instead?”
“Lunch? At ten thirty?”
Lumuwang ang ngiti ng binata. Even his eyes twinkled in amusement. “Brunch, then,” wika nito. “O baka naman kailangan ko pang lampasan ang score ng papa mo sa Flappy Bird para pumayag ka?”
Kinagat man ni Hazel ang ibabang labi ngunit tumagos pa rin ang mahinang tawa sa kanyang lalamunan. Sasagot sana siya nang tumunog ang cell phone ni Matthew. Hiningi nito ang permiso niyang sagutin muna ang tawag kahit sandali lang kaya tumango siya. Sino ba siya para humindi?
Tumayo ang binata at sinagot ang tawag. Minutes later, he came back with an apologetic look on his face.
“May problema ba?” tanong niya.
“I’m sorry. I have to cancel our brunch. Tumawag si Stacy to inform that Dhen is waiting for me in my office, looking like he was beaten up.”
“Oh…”
“I’m really sorry, Haze.”
“No, it’s okay. Naiintindihan ko naman, Matthew. Of course, Dhen needs you.”
When Matthew reached for her hand, she flinched but tried to stay calm. Hawak nito ang kanyang kamay na nahiling niyang sana ay hindi pinagpapawisan. “Gusto ko sanang ihatid ka pauwi. I really do.”
“Matthew, okay lang. Walang problema sa `kin. May next time pa naman, eh.” She could not believe she just said that.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
“You should go. Baka kung ano pa ang mangyari kay Dhen. I hope it isn’t that bad.”
Binitiwan ni Matthew ang kanyang kamay at muntik na siyang mapaungol nang mawala sa pakiramdam ang init ng kamay nito.
“Thank you, Haze. I promise this won’t happen next time,” he said and her heart jumped excitedly. He said next time, and she was looking forward to that.
“MAN, YOU look awful,” sabi ni Matthew sa kanyang pinsan nang makita ito.
Dhen winced at him despite the bruise on his face. Nang bumalik si Matthew sa kanyang opisina kahapon matapos tawagan ni Stacy, nadatnan niyang pinapahiran ni Dhen ng bimpo ang sugat sa gilid ng bibig. May Band-Aid na rin sa gilid ng kilay nito. Dhen explained that Khrys’ ex-boyfriend came up to him and beat the shit out of him. The whacko even told him to stay away from Khrys.
“Thank you for your cheerful words,” Dhen retorted sarcastically after his remark.
Tumawa si Matthew bago umupo sa tabi ng pinsan. Nasa Heaven’s Light na naman sila. Gusto kasi nito na makipag-inuman kahit sandali lang. “Alam ba ni Khrys kung ano’ng ginawa ng ex-boyfriend niya sa `yo?”
Umiling si Dhen. “I have no idea. Pero siguro alam na niya. And hey…” Siniko siya nito. “Please thank Stacy for me. I didn’t get the chance to thank her. Pinaalis mo kasi agad.”
Tumaas ang isa niyang kilay. “Please don’t tell me you’re hitting on my assistant?”
“What the fuck, man?” Tumawa ito nang malakas. “Tinulungan niya ako habang hinihintay kita. Nagdurugo pa `yong mukha ko no’ng pumasok ako sa opisina mo. Siya ang naglagay ng Band-Aid sa mukha ko.”
“Just don’t hit on her, okay? Stacy’s the best assistant I’ve had so far. Two years pa lang siyang nagtatrabaho sa akin, but she’s very efficient. Ayokong mag-resign siya dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha mo.”
“Okay, okay.” Dhen was laughing as he raised both hands as if to say, ‘I’m out.’ Nag-excuse muna ito dahil may nakalimutan daw sa itaas.
Kinuha ni Matthew ang kanyang cell phone mula sa bulsa at nagsimulang pumindot sa touch screen. Iniisip niya kung nasa bahay ba si Hazel o kung umalis; kung tatawagan kaya niya ito at yayayaing lumabas.
He snorted at the thought. Gabi na at alam niyang hindi papayag ang ama ng dalaga. Kailangan pa nga kasi niyang talunin ang score ng matanda sa Flappy Bird. Hindi niya napigilang matawa sa huling naisip.
“Ano ba’ng tinatawa-tawa mo d’yan?” tanong ni Dhen nang makabalik. Sumilip pa ito sa kanyang cell phone. Mabuti na lang at nailagay niya iyon kaagad sa bulsa bago pa man ito may makitang interesanteng bagay.
“Wala.” Mabuti na lang din at hindi na ito nag-usisa pa.
“Hey, I’ve got an idea. Why don’t we hit Club Octagon tonight?” Ngumisi ang kanyang pinsan na para bang hindi nakatikim ng suntok sa mukha. “Come on. I won’t start a fight, if that’s what you’re thinking.”
Natawa siya. Alam na alam talaga ni Dhen kung ano ang nasa isip niya.
Ilang minuto ang nakalipas ay narating na nila ang Club Octagon. Ang rason kung bakit mas pinili ni Matthew na magtayo ng bar at hindi isang night club ay dahil hindi siya fan ng mga ganoong lugar. Pagpasok pa lang nila sa Club Octagon ay parang sasabog ang kanyang utak sa ingay, not to mention the lights na masakit sa mata. Dhen, however, was feeling the heat and the music.
Dumeretso agad si Matthew sa isang bakanteng lounge habang ang kanyang pinsan ay dumeretso sa dance floor. May dalawang babaeng agad na pumalibot dito. Naiiling na lamang siya habang tiningnan si Dhen. He had always been some sort of a playboy. Nang dumating si Denise sa buhay ng kanyang pinsan, akala niya ay magbabago na ito. Pero hindi nangyari iyon. Oh, well, Denise was exactly the female version of himself. Parehong madaling ma-bore ang dalawa sa isang relationship.
The club DJ changed the music into a more upbeat one, at dahil doon ay naghiyawan ang mga tao. Lalong sumakit ang ulo ni Matthew dahil sa ingay. Naisipan niyang lumabas muna.
Ngunit hindi pala ganoon kadaling humanap ng daan palabas. Hindi kasi nagbibigay-daan ang mga tao at patuloy lamang sa pagsasayaw. He murmured unheard excuses as he nudged people out of the way. Ngunit bigla na lang may taong natumba sa kanyang likuran. At ang taong iyon ay kumapit pa sa kanyang balikat upang hindi tuluyang masubsob sa sahig. Humarap siya upang tulungan ito ngunit ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita kung sino iyon.
“Hazel?”
Tumingala ang dalaga, ang kulay-rosas nitong mga labi ay nakaawang pa. “Matthew?” Maging ito ay nasorpresa pagkakita sa kanya.
Nang mabawi na ang balanse at tuluyang makatayo, hindi niya mapigilang tingnan ang kabuuan ni Hazel. She was wearing denim shorts and a comfortable oversized, waist-length neon pink cropped top, matched with sexy black ankle boots with stiletto heels. Her hair was styled in beach wave curls. He would have stared for too long, if only it was not rude.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Ikaw lang ba mag-isa?” tanong niya.
Inulit niya ang tanong nang hindi agad sumagot ang dalaga.
“Kasama ko si Khrys. Naisip ko lang na lumabas muna sandali pero may tumulak sa akin,” anito, muling napasubsob sa kanyang dibdib nang may tumulak uli rito.
“Hey!” He glared at the guy behind her. Alam niya na hindi iyon sinasadya ng lalaki pero kahit na. Ni hindi nga alam ng loko na nakatulak na ito. Muli niyang tiningnan si Hazel na inaayos ang buhok. “Okay ka lang ba, Haze?” tanong niya.
Tumango ang dalaga. “Oo, okay lang ako.” Ngumiti pa ito.
“Plano ko rin sanang lumabas. Gusto mong sumama sa akin?”
“Sige, bago pa may tumulak uli sa akin,” biro nito.
Ngumisi si Matthew. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang may tumulak pa sa iyo.” Kinuha niya ang kamay ni Hazel at hindi binitawan hanggang sa makalabas sila. Pareho silang nakaramdam ng ginhawa sa labas. “It’s better out here than inside.”
Tumango ang dalaga. “Eh, ba’t ka nga pala naparito?” mayamaya ay tanong nito. “Wait, let me guess. Dhen?”
Tumawa siya. “You got me.”
“Ako rin, eh. Sinamahan ko lang si Khrys,” ani Hazel habang sumasandal sa pader. Napatingin ito sa suot ni Matthew at mahinang tumawa. “Hindi ako makapaniwalang suot mo pa rin ang suit jacket mo kahit na sobrang init sa loob.”
Grinning, he loosened his tie and took his suit jacket off only to wrap it around Hazel’s shoulder. Hindi na nagprotesta ang dalaga, at sa halip ay nagpasalamat bago kinagat ang ibabang labi. Hindi mapigilan ni Matthew na ituon ang mga mata sa mapupulang labi ng dalaga. That sudden urge to kiss her was there again, filling his whole being, urging him on. At bago pa mapag-isipan ang gagawin, unti-unti niyang ibinaba ang mukha sa mukha nito. Hindi siya itinulak ni Hazel o nagprotesta man lang. Nakatayo lang ito na para bang hinihintay na lumapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito.
“Matthew?”
Isang tinig ng babae ang pumukaw sa kanila at lihim siyang napamura. Reluctantly, he slowly pulled back as she watched Hazel blink her eyes. It was as though she was trying to wake herself up from a trance.
Lumingon siya upang tingnan ang taong nang-abala sa kanila. Hindi niya inakala na ang taong ayaw nang makita pa kahit kailan ay nakatayo mismo sa harap nila.
HAZEL’s knees wobbled, but not because of the almost-kiss between her and Matthew, but because of Blair’s presence. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila ni Matthew. Hindi niya inaasahang nandoon si Blair. At ganoon din ang reaksiyon ni Matthew base sa reaksiyon nito.
“Matthew…” muling tawag ng babae.
Nang hindi sumagot ang binata ay muling tumingin ang babae kay Hazel, ang mga mata nito ay punong-puno ng katanungan. And was that pain she saw in her eyes? Nagsisisi na ba ito sa lahat ng ginawa kay Matthew?
“There you are. Kanina pa kita hinahanap.”
Biglang lumitaw si Khrys na ni walang kamalay-malay sa sitwasyon nila ni Matthew. Nilampasan pa nga nito si Blair na para bang wala roon ang babae. “Oh, hello, Matthew. Puwede ko na bang kunin si Hazel? Kailangan na naming umuwi, eh.”
Tumingin si Matthew kay Hazel at ganoon din siya sa binata. Mukhang ayaw pa nitong umuwi. O, baka naman imahinasyon lang niya iyon. Kung siya kasi ang tatanungin, ayaw pa niyang iwan si Matthew, lalo na’t nandoon si Blair. Pero hinila na siya ni Khrys kaya wala na siyang nagawa kundi muling tingnan ang binata. Pumasok na siya sa loob ng taxi. But it was not enough to put her at ease. Blair was still there waiting for him to look her way.