Chapter 8
CHAPTER EIGHT
N
APANGITI si Hazel habang nakatingin sa kanyang cell phone. Nag-text si Matthew at sinabing hindi raw ito nakikinig sa conference meeting at pasimpleng nakikipagpalitan ng text messages sa kanya.
Mula noong gabing dinala siya ni Matthew sa private island nito—the same night he kissed her—araw-araw na silang nagko-communicate kahit sa cell phone man lang. Lately kasi ay naging busy ito kaya hindi sila masyadong nagkikita.
Kasalukuyan siyang nasa isang art gallery dahil na rin sa pangungumbinsi ni Matthew. Ayon sa binata, sayang daw ang talent niya kung iilang tao lang ang nakakaalam. May punto naman ito kaya pumayag na rin siya.
Muling tumunog ang kanyang cell phone, may text message uli mula kay Matthew.
I’ll be there at 5pm. Please wait for me.
Nag-reply si Hazel, pagkatapos ay ibinalik ang cell phone sa bulsa. Hindi niya alam na para siyang baliw dahil sa luwang ng kanyang ngiti, hanggang sa makita ang repleksiyon sa glass divider. She smoothed out the wrinkles in her skirt. Inayos din niya ang kanyang buhok.
A woman in her mid-fifties came to check on her work. Ngumiti siya rito at bumati. Gumanti ito ng ngiti.
“Gusto ko ito, hija,” anang ginang, sabay marahang haplos sa isa sa kanyang paintings. It was a painting of a mother holding her baby in her arms. “Is there a story behind this wonderful painting?” May kakaiba sa mga mata nito, ngunit hindi niya masabi kung ano.
“None, really. But I was thinking of my own mother when I painted it,” she said, a small smile tugging her own lips. “I was hoping she once held me like this when I was a baby. Hindi ko kasi kailanman nakita ang tunay kong mga magulang. Nahiwalay ako sa kanila. And with this painting, I keep on imagining her as my mother and I’m that baby in her arms.”
Napatitig sa kanya ang matanda.
Tumawa siya nang mahina. “Pasensiya na po kayo sa melodrama kong kuwento.” Biglang nag-init ang kanyang mukha.
Unti-unting ngumiti ang ginang at hinawakan ang kanyang braso. “I’m sure, hija, kung nasaan man ang mga magulang mo ay iniisip ka rin nila.”
“S-salamat po.” There was something about the way she was holding her arm. It was like there was a different kind of warmth that traversed her heart.
Napadako sa kanyang leeg ang tingin ng babae at narinig niya ang pagsinghap nito. Bigla ring lumiwanag ang mukha nito nang muling tumingin sa kanya. “S-saan mo nakuha ang necklace na `yan?” May kaligayahan sa mga mata nito kahit na may namumuong luha.
Napatingin si Hazel sa suot na necklace. “Ahm, I think it’s from my mother. Sabi po kasi ng nag-ampon sa akin, suot ko na raw po ito nang makita nila ako.” Bago pa man siya makapag-react ay hinapit siya ng ginang at niyakap nang mahigpit. She was stunned but her heart was somehow filled with feelings she could not quite catch.
“Anak ko…” sambit ng ginang.
Napalunok si Hazel. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Biglang nag-init ang kanyang mga mata. On instinct, she wrapped her arms around the old woman and hugged her back. Those two words were enough for her to believe her.
“GALING sa isang mayamang pamilya ang papa mo at dahil hindi ako kabilang sa alta-sosyedad, hindi ako gusto ng mga magulang niya,” sabi kay Hazel ng ginang na si Leticia Javier—ang kanyang tunay na ina.
Nasa isang coffee shop sila malapit lang sa art museum.
“Pero dahil mahal namin ang isa’t isa, sumuway ang papa mo sa kagustuhan nilang layuan ako,” patuloy nito. “Nagtanan kami. Your father married me without the consent of our parents. Nasa tamang edad na kami. And besides, your father’s parents wouldn’t have approved. I was nine months pregnant when they found us and took us back. Hanggang sa ipinanganak kita.” May luhang namumuo sa sulok ng mga mata nito pero hindi huminto sa pagsasalita. “Ate Elsa, your father’s older sister, told me about your grandparents’ plan—ang ilayo ka sa amin ng papa mo.”
Naiyukom ni Hazel ang mga kamay. Sino bang lolo at lola ang gagawa ng ganoon sa kanilang apo? They must have been very heartless, then.
“I pleaded with Ate Elsa to bring you to me, but it was too late. You were taken from me.” Suminghot ang kanyang ina at pinahid ang sulok ng mga mata. “Pero bago ka kinuha, nagawa ni Ate Elsa na isuot sa `yo ang kuwintas ko—the same necklace you’re wearing right now.”
Hazel felt her heart break for her biological mother. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “I’m sorry you had to go all through that…”
Kinuha nito ang kanyang kamay at pinisil. “Hinanap ka namin, anak. God knows, ilang bahay-ampunan ang pinuntahan namin pero wala ka sa lahat ng iyon. Ipinagdarasal ko na lang na sana’y nasa mabuti kang mga kamay.”
“Ang sabi ni Mamang, iniwan daw ako sa labas ng bahay nila. They had no idea who put me there. But they adopted me legally and took me as their own. Nag-file sila ng late registration para sa birth certificate ko para magamit ko ang apelyidong Fontanilla. When I turned twelve, ipinagtapat nila sa akin na hindi nila ako tunay na anak. And that this necklace must be from my real mother.” Hazel’s fingers were fidgety, remembering how sad and hurt she really was on that day they told her.
“Sumagi ba sa isip mo na… na hanapin ang tunay mong mga magulang?” tanong ng kanyang biological mother na may magkahalong lungkot at sakit sa tinig.
Tumango siya. “Pero hindi ko alam kung paano. The only thing I have is the necklace and nothing else.” Hinawakan niya ang pendant ng kuwintas.
Napatingin din doon ang kanyang ina. Napangiti ito kahit lumuluha pa rin. “Alam mo ba, pinili namin ng papa mo `yang necklace para sa `yo. We named you ‘Lilac Pearl.’ But I love the name they picked for you, it matches the color of your eyes.”
Hindi mapigilan ni Hazel na mapangiti sa sinabi nito.
“I’m sure your father would be very happy dahil nagkita na tayo.”
“Nasaan po ba siya ngayon?”
Natahimik nang ilang saglit ang kanyang ina. Muli rin itong napaluha. “He passed away last year due to heart failure.”
Hazel felt something lodged in her throat. Hindi man lang niya nasilayan ang kanyang tunay na ama. “Did he… did he ever forgive his parents?” Iyon na lang ang tanging nasabi niya. It was all too much to take in.
Tumango ang kanyang ina. “After many years, ang lola’t lolo mo mismo ang humingi ng kapatawaran. Pinatawad sila ng papa mo. After all, they were his parents.”
“Ikaw ho? Napatawad n’yo ho ba sila?”
Muli ay ngumiti ito, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang magkahalong lungkot at kasiyahan sa mukha. “Sino ba naman ako para magtanim ng galit sa kanila habang-buhay? Yes, they brought us so much pain but in order for love to live, we must forgive. My father once told me before, ‘when you forgive, you give yourself permission to live life fully.’ And that’s what I did. Your grandparents tried to set things right. Ibinalik nila ang yaman ng iyong papa. Pinatira nila kami sa mansion kasama nila and I haven’t been mistreated since then. Talagang nagbago sila. And most importantly, they tried to find you to take you back. Kinontak nila ang babaeng inutusan nila na ipamigay ka. Pumunta kami sa probinsiya kung saan ka dinala. Pero wala na roon ang mag-asawa. Hindi rin alam ng mga kapitbahay kung saan talaga kayo pumunta.”
“Siguro umalis kami sa probinsiya noong musmos pa lamang ako. All I know is that I grew up here in Manila.”
Muling pinisil ng ina ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng magkahalong saya at pagkabigla. Even though it was kind of weird, she did not pull her hand back. “It’s all in the past now. What matters most is the present. We’ve found each other, anak, and that’s something I am thankful for. It’s never too late to make up for all those wasted years. We can do it. Come and live with me.”
The thought of leaving the person whom she spent her entire life with was heartbreaking. Hindi iyon kayang gawin ni Hazel. “Pasensiya na ho pero hindi ko ho kayang iwan si Papang. Pamilya ko rin ho siya. Matanda na siya at wala nang ibang pamilya maliban sa akin dahil patay na ho si Mamang. I can’t leave him alone.”
May nakita siyang kalungkutan sa mga mata ng kanyang ina, ngunit sandali lang iyon.
“t
hen he can live with us. Tutal, masyadong malaki ang bahay para sa ating dalawa.”
“Nasaan ho ba ang Lolo’t Lola?”
“Namatay ang lolo mo four years ago dahil sa sakit at sumunod naman ang lola mo after several months for the same reason. Now that your father is gone, ako na lang mag-isa sa bahay.” Pinisil uli nito ang kanyang kamay. “Please live with me and I don’t mind taking your Papang with you. Besides, gusto ko ring makilala ang taong nagpalaki at nag-aruga sa `yo. I want to thank him for taking care of you.”
Nakagat ni Hazel ang ibabang labi. She had to admit, her mother’s suggestion was tempting.
“I’ll talk to him if you want,” dagdag nito na may ngiti sa mga labi.
Ngumiti na rin siya.
“Tita Lettie…”
Sabay silang napalingon sa tinig na pumutol sa kanilang pag-uusap. Napasinghap si Hazel at ikinurap-kurap ang mga mata pero hindi naglaho ang taong nasa harap nila.
It was Blair, Matthew’s ex-girlfriend, at nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanilang mag-ina. At kung pagbabasehan ang paraan ng pagtitig ni Blair sa kanya, alam niyang naaalala siya nito. Hazel wondered how on earth Blair knew her biological mother.
“HEY.” AWTOMATIKONG ngumiti si Matthew nang makita si Hazel. Agad nitong hinalikan sa pisngi ang dalaga.
Gumiwang ang heels na suot ni Hazel. Pinulupot ng binata ang isang braso nito sa kanyang baywang para hindi siya matumba.
“Easy there,” he said, grinning, and it disturbed the million butterflies in her stomach.
Hindi niya makuhang tingnan ito nang matagal sa mga mata kaya ibinaling niya ang paningin sa kung saan.
A minute later, tuluyan na silang lumabas ng art museum at dumeretso sa sasakyan ni Matthew. Gaya noon, binuksan ng binata ang pinto para sa kanya.
“I’d really like to go somewhere with you, but I think you’re tired,” sabi nito nang paandarin ang sasakyan. “I don’t want to wear you out so I’ll just take you home.”
Ngumiti si Hazel. “Maraming salamat, Matthew,” she said and he smiled back at her.
“So, how was your day? May bumili ba ng mga artwork mo?”
Tumango siya at napangiti. “Mayroon ding clients na gustong makita ang iba ko pang gawa at ang future works ko. It’s really a great feeling to know that many people like my work.”
“See? I told you. Kailangan mo lang ng kaunting exposure for your artwork to be known. I’ve seen your work, Haze, and it’s all amazing.”
Nakikita niya sa mga mata ni Matthew na nagsasabi ito ng totoo. Hindi niya mapigilan ang sayang unti-unting lumulukob sa kanya.
“I really owe you one, Matthew. Maraming salamat.”
“No problem. Anything for you, Haze.”
For a moment, she thought she saw his eyes sparkle but he looked away. He gazed back on the road before she could really process what it was.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila sa kanilang bahay. Inihinto ni Matthew ang kotse sa tapat ng bahay, ngunit hindi muna bumaba ng kotse si Hazel. He took it as a sign that she was waiting for him to open the door. Bababa na sana ito ngunit pinigilan niya sa braso.
“Matthew, nahanap ko na ang tunay kong ina,” walang pag-aalinlangang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata nito. “Really? Saan at kailan?”
Sinabi niya ang pagtatagpo nilang mag-ina kanina sa art museum. Sinabi niya ang lahat-lahat, though she left out that part where Blair appeared.
“Sa tingin mo ba, papayag ang papang mo na tumira kasama ang tunay mong ina?” mayamaya ay tanong ni Matthew.
Hazel exhaled. “Hindi ako sigurado, Matthew. Pero pipilitin kong ipaintindi sa kanya. Hindi ko kasi siya kayang iwan. After all, he’s my father and no one can ever change that.”
Out of nowhere, hinawakan ng binata ang kanyang kamay. She fought the urge to flinch visibly. Funny how she still was not used to his touch. They had kissed already and this was merely a touch of his hand. Goodness!
“I’m sure maiintindihan niya `yon. Importante ka sa kanya at alam kong hindi rin niya kayang mawala ka.”
Sa sinabing iyon ni Matthew ay bumalik ang atensiyon niya sa pinag-uusapan nila.
“I hope you’re right, Matthew.”
Pinisil ng binata ang kanyang kamay. Muli na sana itong bababa ng sasakyan ngunit pinigilan uli niya. “Wait, there’s more.”
“What is it?”
“Blair is my cousin,” she blurted out and a surprised look spread on Matthew’s face. “Leticia Javier is my biological mother, who happens to be Blair’s aunt. Magkapatid ang kanyang ina at ang tunay kong ama.”
Nakaawang ang bibig ni Matthew habang nakatingin sa kanya. She held her breath as she waited for his response. Natatakot siya na baka magdesisyon ang binata na lumayo dahil magkadugo sila ng ex-girlfriend nito. Ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang malayo kay Matthew.
“I… I just thought you should know,” mahina niyang dagdag.
“Wow…” he breathed out as he looked out the windshield. Sandali lang iyon dahil tumingin uli ito sa kanya. “Small world, isn’t it?”
Kinagat ni Hazel ang ibabang labi at marahang tumango. Naramdaman niya ang muling pagpisil ni Matthew sa kanyang kamay.
“Kung iniisip mong iiwasan na kita dahil magkadugo kayo ni Blair, you’re wrong about that, Haze.”
“Matthew…”
“Trust me, okay? Bale-wala sa `kin kung magkadugo kayo ng ex-girlfriend ko. It’s not going to change what we have, Haze.” Itinaas ng binata ang kanyang kamay at hinalikan.
Whether he meant their friendship or their are-we-together-or-not kind of relationship, she was not sure. But it did make her smile, nonetheless.