With This Ring

Chapter 6

Nov 28, 2025 6 / 10

Chapter 6

CHAPTER SIX

“D

AMMIT!” usal ni Matthew. “Bakit ba palagi na lang akong pumapalya?” galit na tanong niya sa sarili. Halos itapon na niya ang kanyang cell phone sa sobrang inis. Inihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at pilit na pinakakalma ang sarili.

Napapitlag siya nang biglang tumunog ang intercom. “Sir, nandito po si Miss Fontanilla. Gusto niya raw po kayong makausap,” sabi ni Stacy sa kabilang linya.

Agad siyang nag-panic sa kadahilanang hindi niya alam. He fixed his tie and hair before answering his personal assistant through the intercom. “Sige, papasukin mo.” Tumayo siya at inayos ang suot na suit jacket.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Hazel na may ngiti pa sa mga labi. Agad nawala ang inis na nadarama ni Matthew. She had that kind of effect on him.

“I’m sorry for coming here on such short notice. Gusto ko lang sanang ibigay ito sa `yo,” sabi ng dalaga habang iniaabot ang suit jacket na ipinahiram niya rito. Hindi na nga pala nito naisauli iyon kagabi.

Matthew searched her face for a clue about her true feelings. Ngunit bago pa man siya may makita, iniyuko na nito ang ulo.

“Hazel…” he started, taking a step forward as he took the suit jacket from her hand. “Walang nangyari kagabi. Hindi kami nagkabalikan ni Blair.”

Tumingala ito at napamaang. “B-bakit ka nagpapaliwanag sa akin?”

“Dahil gusto kong malaman mo ang totoo.” He held her chin and raised her head when she tried to hold it down again. “Will you be my date to my college reunion this Saturday?”

Napamaang uli si Hazel dahil sa kanyang walang paligoy-ligoy na imbitasyon. Pero may namuong ngiti sa mga labi ng dalaga. “You caught me off guard. I wasn’t prepared for that.” Hinawi nito ang buhok at iniipit sa likod ng tainga.

He chuckled. “I want you to be there with me, Haze.”

Kinagat nito ang ibabang labi habang nag-iisip. Napadako tuloy roon ang kanyang atensiyon.

Danger zone, Matt!

Iniangat niya ang paningin sa mga mata ng dalaga.

“Ahm, wala namang problema sa akin, eh. Kaso si Papang…”

“Oh, the Flappy Bird.” Tumawa siya. “I’m working on it. Actually, I’m almost close to one hundred and thirty.”

Kumurap-kurap si Hazel na para bang dina-digest ang kanyang sinabi. “Naglalaro ka ng Flappy Bird?”

Hindi niya napigilang ngumisi. “Guilty. I downloaded it, ahm, after our painting session at your house.” All those times na nakatunganga lang siya sa opisina ay naglalaro siya ng Flappy Bird. At kanina lang, bago pumasok si Hazel sa kanyang opisina ay naglalaro din siya. Iyon nga lang, sumablay na naman kaya sobra ang inis niya.

“Haze,” sambit ni Matthew sa seryosong tono. “Kung malalampasan ko ba ang score ng papang mo, will you go out on a date with me?” Habang hinihintay ang sagot ng dalaga, malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sana ay pumayag ito.

Just then, Hazel’s lips stretched into the sweetest smile he had ever seen. “Yes, I’d like to go out on a date with you, Matthew.”

PARANG gustong himatayin ni Hazel sa nerbiyos. Kasalukuyan kasing naglalaro si Matthew ng Flappy Bird kasama ang kanyang papang. In other words, ngayon ang official competition ng dalawa. May tatlong pagkakataon lang si Matthew na talunin ang score ng kanyang ama. Unfortunately, pumalya ang binata sa una at ikalawang laro at nag-victory dance pa ang papang niya dahil doon.

Kung sa ibang pagkakataon, maaaliw at matatawa si Hazel. Pero hindi niya magawa. Sa halip ay sumimangot na lang siya.

Sa totoo lang, nasa hustong edad na siya para magdesisyon kung sino ang kanyang ide-date. Pero kailangan kasing patunayan ni Matthew, o kung sino pa man, na mapagkakatiwalaan ito. Pagkatapos siyang ma-broken-hearted dahil kay Lawrence, alam niyang hindi na basta-basta magtitiwala ang kanyang ama sa sino mang lalaki. And she loved her father too much to ignore the care, love, and protectiveness he was giving her. Confident din kasi ito na walang makakatalo sa score nito na lampas isang daan dahil nga mahirap daw ang larong iyon.

Ipinikit ni Matthew ang mga mata at huminga nang malalim, parang inihahanda ang sarili sa huling laro.

“Well, hijo. Last chance mo na `to. Surrender na ba?” Nakangisi pa ang ama ni Hazel.

Muling dumilat ang binata at tumingala sa kanyang ama. He was looking at the older man with so much respect. “Sir, I’m sorry but I’ll take one last chance,” determinadong sagot nito.

Parang gusto tuloy niyang pumalakpak.

Halos hindi na siya humihinga nang magsimula uli si Matthew. Masyado itong concentrated, nagsasalubong ang mga kilay. Gusto niyang umalis at iwan na lang ang dalawa, ngunit ayaw rin niyang palampasin ang kahihinatnan ng laro.

Ilang segundo pa lamang ang nakalilipas ngunit parang isang oras na siyang naghihintay.

h

er fingers were fidgety as she waited.

“`Pang, ilan na ang score niya?” hindi makatiis na tanong niya.

“Sshh!”

“`Pang!” nagmamaktol niyang bulalas. Dahil hindi na makatiis, sumilip siya. Buong ingat niyang ginawa iyon dahil ayaw niyang masagi si Matthew para hindi ito ma-distract. Ngunit bago pa man niya makita ang score ay humiyaw ang kanyang ama. Nag-panic tuloy siya. But then, Matthew laughed at itinaas nito ang cell phone sa tapat ng kanyang mukha. She blinked.

Matthew’s score was three points higher than her father’s!