Chapter 7
CHAPTER SEVEN
“N
ANDITO na si Matthew, Hazel,” wika ng papang niya sa labas ng pinto ng kanyang kuwarto.
Nag-panic tuloy siya. Maagang dumating si Matthew. He was ten minutes early, at hindi pa siya tapos mag-ayos. Well, tapos naman na talaga siya pero hindi pa kasi sapat para sa kanya ang nakikitang hitsura. Ang sabi ni Matthew, kahit simpleng damit lang ang isuot niya ay okay lang. But she wanted to look good for him.
Nakagat niya ang ibabang labi sa realisasyong iyon.
Muling tiningnan ni Hazel ang sarili sa full-length mirror habang pilit na kinakalma ang sarili. She settled on a black swoop neck skater dress with elbow-length sleeves and cutout tie back. She matched it with rose gold strappy gladiator platform heels. Her dark hair was pulled back into a playful, voluminous ponytail. Nag-apply rin siya ng kaunting makeup na babagay sa kanyang suot. Nang sa tingin niya ay okay naman na ang hitsura, kinuha niya ang purse at lumabas ng kuwarto. Nadatnan niyang nag-uusap si Matthew at ang kanyang ama sa sala.
“Huwag po kayong mag-alala, isasauli ko po siya nang buo,” narinig niyang sabi ng binata sa kanyang ama.
Napangiti si Hazel. She honestly felt safe with Matthew. Ni hindi sumagi sa kanyang isip na gagawan siya nito ng masama. Dahil kung masamang tao si Matthew, di sana ay noon pa siya nito ginawan ng masama—noong gabing magkasama silang nag-iinuman.
Tumikhim siya at sabay napalingon ang dalawa. Matthew stood first, his gaze fixed on her. Kung kanina ay hindi siya satisfied sa kanyang hitsura, ngayon ay confident na. The way Matthew stared at her, she felt like she was the most beautiful person he had ever seen. He was looking at her the way all women wanted to be looked at by a man.
“You’re beautiful,” sabi ng binata na nakatingin pa rin sa kanyang mukha.
Siniko ito ng kanyang ama. “Of course, anak ko `yan, eh! Sobrang ganda, `no? Nalulula ka ba?”
“`Pang!” nahihiya niyang bulalas.
Tumawa lang si Matthew na parang bang naaaliw sa matanda.
“Let’s go now, Matthew.”
“Ingat kayo, ha?”
“Opo, `Pang.”
“Hijo,” baling ng kanyang ama kay Matthew. “Huwag mong kalimutan ang pinag-usapan natin kanina, ha?”
Ngumiti ang binata. “Huwag ho kayong mag-alala. Your daughter is safe with me, Sir,” sabi nito at tumango naman ang kanyang papang.
Nagpaalam na sila at pagkatapos ay dumeretso sa kotse ni Matthew.
“Ano naman ang pinag-usapan ninyo?” tanong ni Hazel matapos paandarin ng binata ang sasakyan.
Tumingin ito sa kanya na may nakakalokong ngiti sa mga labi. “He told me he will staple gun my genitals to the wall if I touched you or hurt you,” sabi nito at humalakhak pa.
Hindi rin niya napigilang tumawa.
“But seriously though, I was scared for a second back there. Your father really looked serious. Pinagpawisan nga ako, eh.”
“Naniwala ka naman sa kanya?”
He grinned guiltily. “Half of me didn’t. But then, I’m sure he’ll have me injured if I ever touched you. I don’t blame him, though. You’re really stunning tonight, Haze.”
“Oh, shut up.” Nahihiyang kinagat niya ang ibabang labi.
Diyos ko! Para naman akong teenager nito! Kung maka-blush, wagas!
“I’m not kidding. You left me breathless the moment I saw you standing there.”
She did not know how and why but she dared to meet his gaze despite the fluttering of her heart. “You’re making me breathless right now too, Matthew,” she admitted. “B-but in a good way.” He smiled at that and her lips slowly stretched into a smile, as well.
Ilang minuto pa ay nasa Diamond Tower na sila. Of course, saan pa ba gaganapin ang college reunion ni Matthew kung nagmamay-ari ito ng isa sa mga luxury hotel sa bansa? Naalala niya tuloy ang gabing magkasama sila habang nag-iinuman. Siguro ay naalala rin ni Matthew dahil may ngiting naglalaro sa mga labi nito nang tumingin siya rito.
Pagpasok nila sa elevator, agad na kinuha ni Matthew ang kanyang kamay. Hindi niya iyon binawi. Bakit pa, eh, gusto rin naman niyang hawakan nito ang kanyang kamay?
Isang doorman ang bumati sa kanila bago binuksan ang malaking pinto kung saan siya iginiya ni Matthew. Agad na bumati ang mga kaibigan ng binata. She should have felt uncomfortable meeting new people but with Matthew’s arm on her waist, she knew she would do fine.
“Matthew’s girlfriend?” a friend of Matthew asked her.
Sa pagkakatanda ni Hazel, Joshua ang pangalan nito. Ngumiti siya. “No, hindi niya ako girlfriend.”
Joshua looked intrigued. “Bakit naman?”
“Stop making my date feel uncomfortable, Josh,” ani Matthew na nakangiti.
Tumawa ang kaibigan nito. “Well, then. Kung hindi mo boyfriend si Matthew, puwede bang ako na lang ang maging boyfriend mo?”
“Better ask the tree, man,” sagot ni Matthew bago pa man makapagsalita si Hazel.
She could not help but notice how his hand around her waist tightened a little bit in a protective manner. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti.
“Wow, it’s really you, Hazel. I thought I was seeing a look-alike.”
Natigilan siya, pati ang kanyang ngiti ay na-freeze. Mula sa kinatatayuan nila ay nakatayo ang lalaking sumugat sa kanyang puso limang buwan na ang nakalilipas. “Lawrence…” sambit niya sa mahinang tinig, ngunit narinig pa rin ni Matthew dahil tumingin ito sa kanya. The puzzle must have finally clicked into place for him because he whispered a foul oath.
Ngumisi si Lawrence nang nakakaloko. “I didn’t know you liked rich men. I should have known.”
“Lawrence.” May babala sa tinig ni Matthew.
Hazel wanted to hurl herself at her bastard ex-boyfriend, but she did not want to make a scene. Hinawakan na lang niya nang mahigpit ang kanyang pouch, imagining it as Lawrence’s face.
Ngunit napadako sa kanyang mga kamay ang mga mata ng ex-boyfriend. Tumaas ang isang kilay nito at tumingin uli sa kanya. “I guess you’ve already given yourself to Matthew. Sa mahal ba naman ng singsing na `yan. I should have known it would take a million-dollar ring to finally have you naked on a bed.”
Bago pa man niya mapigilan si Matthew, binigyan na nito si Lawrence ng malakas na suntok. Napasubsob ang huli sa kalapit na mesa. Napakalakas siguro ng suntok ni Matthew dahil agad na pumutok ang gilid ng bibig ni Lawrence.
“Don’t you fucking dare say that to Hazel, you bastard!” Dinuro pa ito ni Matthew.
“Matthew, please stop!” Hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso dahil mukhang may balak pang sugurin si Lawrence.
“Apologize to her! Or else, I’ll do everything I can to bring you down, you piece-of-shit lawyer! You know me, Lawrence. Hindi ako hanggang salita lang.”
“Matthew, please…” Hindi namalayan ni Hazel na umiiyak na pala siya hanggang sa naramdaman niyang pinahid ni Matthew ang kanyang mga luha. “Matthew, please, let’s just get out of here.”
“Not until he apologizes to you, sweetheart.”
She shook her head vigorously. “I can’t stand to be in the same room with him another minute.”
“Okay,” he finally said. Pero bago sila tuluyang umalis, hinarap uli nito si Lawrence. “Consider this a fucking warning, Lawrence Sanchez. Oras na malaman kong sinisiraan mo uli si Hazel, I swear your career will be over.” Iyon lang at iginiya na siya nito palabas ng banquet hall.
It was only then that she realized she was shaking, not from embarrassment but because she wanted to throttle Lawrence’s neck with her hands so badly.
Ikinulong siya ni Matthew sa mga bisig. Wala siyang nagawa kundi isubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Pakiramdam kasi niya, mas ligtas siya sa mga bisig nito. “I should have known that your ex-boyfriend is the same jerk I knew in college. That fucking bastard! He broke up with you because he couldn’t get between your legs? What an asshole! He didn’t deserve to have you in his life.”
“God knows how much I wanted to kill him back there,” paungol na sambit ni Hazel at muling nagtaas ng mukha.
“You shouldn’t have stopped me. I’d be glad to do it for you.”
Ngumiti siya sa kabila ng lahat.
He cupped her face and used his thumbs to wipe away her tears.
“Ayokong maging rason para masira ang party.”
“Kung may tao mang sumira sa party, hindi ikaw `yon, Haze, kundi ang bastardong iyon,” wika ni Matthew.
Nakita ni Hazel ang galit sa mga mata ng binata ngunit unti-unti na iyong naglalaho. The expression on his face softened, it was as though he wanted to erase Lawrence’s existence in her past.
“Matthew, ilayo mo ako rito, please…” pakiusap niya.
Unti-unting ngumiti ang binata habang hinahaplos ang kanyang pisngi. “You don’t have to beg twice, Haze.” Hinawakan nito ang kanyang kamay na hinayaan naman niya.
Hindi niya alam kung saan sila pupunta hanggang sa ma-realize na lang niyang papunta sila sa rooftop.
“Matthew, I meant another place,” sabi niya, nilalaro ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok na kumalas mula sa pagkaka-ponytail.
Inipit iyon ng binata sa likod ng kanyang tainga gamit ang isang kamay. Sa puntong iyon ay nakarinig siya ng ingay ng isang palapit na helicopter.
“I’m taking you somewhere private. Do you trust me, Haze?”
Tumango siya. “Yes, I do,” tugon niya nang walang pag-aalinlangan.
Isang helicopter ang lumapag sa helipad. The words
Rivera Industries
were written in gold across its body. Tumingin siya kay Matthew na nagtatanong ang mga mata. Hindi kasi niya ito nakitang may kausap sa cell phone o may ka-text man lang.
He must have read her eyes because he smiled. “Naisip ko kasi na baka ma-bore ka halfway through the party so I planned a getaway. Iyon nga lang, napaaga. I texted Stacy back while we were still at your place. Sakto namang nandito na ang private helicopter.”
Hindi niya napigilang ngumiti. “Saan ba tayo pupunta?”
Inalalayan siya nito paakyat sa helicopter. “You’ll see.”
ISANG modern, large country wooden house ang nasa gitna ng isang private island na pagmamay-ari ni Matthew. Kahit nasa ere pa lamang ay tanaw na tanaw ni Hazel kung gaano kalaki ang bahay. Doon daw nag-i-stay si Matthew kapag stressed out. The entire place was relaxing enough and she could not agree more.
“Ikaw lang bang mag-isa rito?” tanong ni Hazel nang makababa na sila mula sa helicopter. Isang binatilyo at isang matandang babae ang sumalubong sa kanila bago pa man makasagot si Matthew sa kanyang tanong.
Ipinakilala siya ng binata sa mga ito. Si Aling Ester ang tagaluto at si Jester naman, isa sa mga anak ng matanda, ang tagapangalaga ng hardin. Nalaman niyang isang pamilya ang naroroon. Si Mang Ben, ang asawa ni Aling Ester, ang tagapamahala ng isla. May isa pang anak ang mag-asawa, si Mika na twin sister ni Jester.
Si Aling Ester ang nag-alaga kay Matthew noong bata pa kaya close ang dalawa. When the woman got married, Matthew’s parents willingly helped his nanny and her new family. Ang mga ito ang pinamahala sa isla nang mabili ng mga Rivera.
“Napaaga yata ang dating ninyo, hijo,” ani Aling Ester.
“Oo nga po, eh,” sagot naman ng binata.
“Kumain na ba kayo? Kung hindi pa, ipagluluto ko na kayo.”
“I’ll do it, Nans. Magpahinga na po kayo. Medyo lumalalim na ho ang gabi,” ani Matthew at hinalikan pa ang matanda sa noo.
Hindi mapigilan ni Hazel na mapangiti. Nakikita niyang close talaga ang dalawa.
Nang umalis na si Aling Ester at hinayaan na lang si Matthew na gawin ang pagluluto, nagkusang-loob si Hazel na tulungan ang binata. Pareho silang nasa kusina at abalang-abala sa pagluluto.
Hindi mapigilan ni Hazel ang sarili na humanga kay Matthew. Kung gumalaw kasi ito sa loob ng kusina ay napakakomportable. Para bang sanay na sa gawaing-bahay.
Nang kumakain na sila ay lalo siyang napahanga sa binata. Masarap kasi ang lahat ng niluto nito. Pagkatapos ng hapunan, naisipan nilang magkuwentuhan muna sa pool area. Doon din niya nalaman na ito pala ang nagpapaaral kina Jester at Mika. At kung sakaling ga-graduate ang dalawa ay awtomatikong may posisyon sa Rivera Industries.
Her heart melted and she looked at him with so much admiration. Kahit kasi sobrang yaman na ay humble pa rin si Matthew. Lumingon ang binata at nahuli siyang nakatingin. Agad niyang binawi ang tingin at dinala ang baso sa bibig.
“What?” biglang tanong ng binata. “Why are you staring at me as if I’m the most fascinating creature on earth?”
Nabilaukan tuloy si Hazel sa iniinom na wine.
“Okay ka lang?”
His hand was doing circular motions on her back. Naalala tuloy niyang cutout dress ang kanyang suot. Ang mainit nitong palad ay humahagod sa malamig niyang balat.
“I-I’m okay,” nauutal niyang sagot.
“Your skin feels cold. Here, wear this.” Inilagay ng binata ang suit jacket sa kanyang balikat para hindi siya ginawin.
Nagpasalamat si Hazel at pilit na ngumiti. Sana lang ay nakalimutan na ni Matthew ang tanong nito kanina lang. Muli siyang tumingin sa binata na nakatingin din pala sa kanya. His intense dark eyes bore into hers. Sapat na ang mga titig nito upang manuyo ang kanyang lalamunan.
Bago pa ma-realize kung ano ang gagawin, inilapat ni Matthew ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Muntik na niyang mabitiwan ang wineglass ngunit agad iyong kinuha ni Matthew at inilapag sa katabing mesa. How he managed to do that while still kissing her, she had no idea. Ngunit ngayong wala na siyang hinahawakan, ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng binata. Her grip on his hair made him kiss her harder. She moaned into the kiss. Kahit kailan ay hindi pa niya naranasang mahalikan katulad ng paraan ng paghalik nito sa kanya. Her knees felt so weak that she thought she could not stand any longer. On instinct, Matthew’s hands around her waist tightened.
“God knows how much I’ve wanted to do this,” he whispered when he finally broke the kiss, letting her breathe his breath.
Ang kamay niya na nakahawak sa buhok ni Matthew ay inilipat niya sa dibdib nito. Damang-dama niya ang malakas na pintig ng puso nito. He cupped her face with one hand and ran his thumb across her lips.
“Matthew…” bulong niya. “I’m glad you kissed me.”
Ngumiti ang binata. Hinalikan nito ang kanyang noo, pagkatapos ay ang tungki ng kanyang ilong. Ang akala niya ay hindi na siya nito muling hahalikan sa mga labi pero nagkamali siya.
“I think your father will have my genitals stapled to the wall,” sabi ni Matthew pagkatapos ng halik.
Sabay silang natawa sa sinabi nito.
“Nope, hindi mangyayari iyon,” sabi ni Hazel.
“Bakit mo nasabi `yan?”
With a sly smile on her lips, she got up on tiptoe and kissed him again. Isang ungol ang kumawala sa lalamunan ni Matthew ngunit gumanti rin naman ito ng halik. Pareho silang humihingal nang maghiwalay. They listened to each other’s heartbeat as they tried to catch their breath. Pagkatapos ay ngumiti ito.
“I think I’d better bring you home.”
Tumango siya at hindi na nagprotesta pa. Even though the night started out awfully for her, she had completely forgotten about it—thanks to him. Sa simpleng ngiti at titig ni Matthew ay nakakalimutan niya ang lahat ng masasakit na pangyayaring dumarating sa kanya. He always knew how to make her smile even when she was at her lowest.
Just like how he slowly cured her bruised heart.